Friday , November 15 2024

Bisikleta nadulas mangingisda utas

TODAS  ang isang 41-anyos mangingisda nang mabagok ang ulo sa semento matapos dumulas ang sinasakyang bisikleta habang papalabas ng kanilang garahe sa Navotas City, kahapon ng umaga.

Patay agad ang biktimang kinilalang si Johan Calibjo, sa loob ng kanilang garahe sa #10 Fisherman Village, Brgy. Daanghari ng nasabing lungsod, sanhi ng pagkabagok na puminsala sa kanyang ulo at nabalian pa ng buto sa likod.

Batay sa salaysay ng ate kanyang ate na si Mary Grace Calibjo, 42 anyos, dakong 7:00 am, habang papalabas ng kanilang garahe ang biktima sakay ng bisikleta pero dumulas ito dahilan upang mabagok na kanyang ikinamatay.

Agad humingi ng tulong sa mga kapitbahay si Mary Grace ngunit nang matiyak na wala nang buhay ang biktima, ipinasiya nilang ipabatid ang pangyayari sa San Roque Police Sub-Station 2 na unang nagresponde sa lugar.

Iniutos ni Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging ang pagsisiyasat sa pangyayari upang alamin kung walang karahasang naganap sa biglaang pagkamatay ng biktima.

Hihintayin ng mga imbestigador ang resulta ng autopsy examination sa biktima bago muling ipagpatuloy ang pagsisiyasat. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …