Saturday , November 16 2024
No Entry, mall, indoor dine-in, Covid-19

Al fresco dining ng minors, dedesisyonan ng IATF — DILG

INIHAYAG ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya na inaantabayanan nila sa ngayon ang magiging desisyon ng pamahalaan kung tuluyang papayagan ang mga menor de edad sa mga al fresco dining outlets sa mga susunod na araw.

Ito ay sa gitna ng posibilidad na tuluyan nang maibaba sa Alert Level 2 ang National Capital Region (NCR) sa Nobyembre at bunsod nang pagsisimula ng pagbabakuna sa hanay ng nasa edad 12-17 anyos.

Ayon kay Malaya, ito ay depende sa magiging rekomendasyon ng Department of Health (DOH) at desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

“At the very least, outside in al fresco establishments. We just began the vaccination of minors. I think we’re going to stick with the rule that all those who do dine-in must all be vaccinated as a rule, so if there’s a possibility it will be at the dining out or in the al fresco areas but let’s wait for that final decision from the IATF before we make plans,” ayon kay Malaya.

Kasabay nito, tiniyak rin ni Malaya na tinatalakay na rin ngayon ng IATF ang posibilidad na pahintulutan ang mga kabataan sa iba pang lugar, gaya ng mga mall at mga pasyalan.

Aniya, inaasahan na niyang sa lalong madaling panahon ay maglalabas ng anunsiyo hinggil dito ang IATF.

Aminado rin si Malaya na maging siya ay umaasang maisasama ang kanyang mga anak sa labas, maging sa malls.

Ipinaliwanag ni Malaya, ang general rule sa ilalim ng alert level system ay papayagan lamang lumabas ng bahay ang mga senior na 65-anyos pataas at ang mga kabataang 18-anyos pababa kung ito’y para sa essential activities, gaya nang pagbili ng pagkain at gamot.

Gayonman, hindi pa rin umano sila maaaring kumain sa labas gaya sa malls.

“So we hope that there will be some changes there and that has been intensely discussed by the IATF,” dagdag ng DILG official. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …