Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
gun QC

Habang naghahapunan
RETIRADONG SUNDALO INUTAS SA ISANG BALA

ISANG bala ang tumapos sa buhay ng isang retiradong sundalo nang barilin ng hindi kilalang suspek habang naghahapunan sa isang karinderya sa Brgy. South Triangle, Quezon City, nitong Martes ng  gabi.

Sa ulat ng Quezon City Police District QCPD, namatay noon din dahil sa isang tama ng bala sa batok ang biktimang si Wilson Daniel, 57, retired enlisted personnel ng Armed Forces of the Philippines (AFP), tubong Malangas, Zamboanga del Sur, residente sa Purok 10, Brgy. Militar, Fort Magsaysay, Palayan City, Nueva Ecija.

Sa imbestigasyon ng QCPD Kamuning Police Station 10, na pinamumunuan ni P/Lt. Col. Alex Alberto, dakong 11:45 pm nang barilin ang biktima sa isang kainan sa kanto ng Sgt. Esguerra at Sct. Madriñan sa Brgy. South Triangle.

Kumakain ang biktima nang lapitan ng suspek saka binaril sa batok at tumakas nang mabilis.

Narekober ng mga awtoridad mula sa dalang bag ng biktima ang isang kalibre .45 baril at ilang magazine na loaded ng mga bala, kutsilyo, radyo, AFP ID card, lisensiya, passport at ilan pang mahahalagang gamit gaya ng legal documents, cellphone, P2,900 cash at susi ng sasakyan.

Inaalam ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaslang. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …