Saturday , November 16 2024
dead gun police

Itinumba ng riding-in-tandem
HELPER, DEDBOL SA HARAP NG LIVE-IN

TODAS ang isang helper matapos pagbabarilin sa harap mismo ng kanyang live-in partner ng isa sa dalawang hindi kilalang mga suspek na sakay ng isang motorsiklo sa Malabon City, kahapon ng umaga.

Dead on the spot ang biktimang kinilalang si Cristalino Valino, 30 anyos, residente sa Samaton, C. Perez St., Brgy. Tonsuya, ng nasabing lungsod sanhi ng tama ng bala sa ulo.

Batay sa pinagsamang ulat nina P/Cpl. Renz Marlon Baniqued at P/Cpl. Rocky Pagindas kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong 9:16 am nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Pilapil St.,  ng nasabing barangay.

Naglalakad umano ang biktima kasama ang kanyang live-in partner na si Airralyn Magdaraog, 26 anyos, sa nasabing lugar nang bigla siyang lapitan ng hindi kilalang suspek saka dalawang beses na binaril sa ulo.

Matapos ang insidente, naglakad ang gunman patungo sa kanyang kasabwat na nagmamaneho ng kanilang getaway motorcycle saka mabilis na nagsitakas sa hindi matukoy na direksiyon.

Nakuha ng mga nagrespondeng tauhan ng SOCO sa crime scene ang dalawang basyo ng bala at isang fired bullet mula sa hindi pa matukoy na uri ng baril.

Patuloy ang follow-up investigation ng pulisya para sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek na hinihinalang may kaugnayan ang pamamaril sa kinakasama nitong babae. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …