Friday , November 15 2024
dead

Driver natagpuang patay sa Malabon

PALAISIPAN pa rin sa pulisya ang pagkamatay ng 54-anyos lalaki na natagpuang wala nang buhay at nakadapa sa tinutuluyang bahay sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Huling nakitang buhay si Roy Marco, driver ng isang malaking medical laboratory ng kanyang kasamahan sa trabaho na si Teofilo Casipong, 56 anyos, dakong 11:00 pm nitong Lunes, na nakahiga sa kama sa loob ng tinutuluyan nilang bahay sa Gov. Pasucal St., Brgy. Potrero.

Gayonman, dakong 3:00 am kahapon, nakita na lamang ni Casipong ang biktima na nakadapa sa sahig at napansin niyang hindi na humihinga kaya’t kaagad siyang humingi ng tulong at ipinagbigay-alam sa mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 1 ang pangyayari.

Sa pahayag ni Casipong sa pulisya, wala naman siyang napupunang karamdaman ang biktima at naging ugali nitong gumising nang maaga upang patukain muna ang mga alagang manok bago pumasok sa kanilang pinaglilingkurang kompanya.

Iniutos ni Malabon police chief P/Col. Albert Barot na isailalim sa autopsy examination ang bangkay ni Marco upang alamin kung ano ang naging sanhi ng maaga nitong kamatayan. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …