Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

P3.4-M shabu kompiskado
DELIVERY DRIVER TIMBOG

AABOT sa P3.4 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa isang delivery driver nang maaresto sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City, kama­kalawa ng hapon.

Kinilala ang naarestong suspek na si Arturo Dela Cruz, Jr., 38 anyos, delivery driver, tubong GMA Cavite at residente sa Gov. Pascual St., Sipac, Navotas City.

Sa inisyal na report, dakong 1:30 pm nang magsagawa ang pinagsanib na operasyong ang mga awtoridad sa harap ng isang Fast-Food store sa kanto ng Loreto St., Brgy 84, Caloocan City.

Isang undercover ang nagawang makipag­transaksiyon sa suspek at nang tanggapin ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng droga ay agad siyang inaresto ng mga ope­ratiba.

Nakompiska sa sus­pek ang hindi kukulangin sa 500 gramo ng hinihi­nalang shabu, may standard drug price na P3.4 milyon at buy bust money na isang tunay na P1,000 bill, at may kasamang boodle money.

Kaugnay nito, pinuri ni NCRPO chief PMGen. Vicente Danao, Jr., ang matagumpay na joint drug buy bust operation ng PDEA at Caloocan City Police na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at pagkaka­kompiska ng naturang ilegal na droga.

Binuo ang operasyon ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Nueva Ecija Provincial Office, PDEA Bataan Provincial Office, PDEA RO-III RSET sa pangunguna ni AI 5 Christopher Macairap, Bagong Bario Sub-Station 5 sa pangunguna ni P/Lt. Julius Villafuerte, at PMaj. Deo Cabildo, SDEU, Caloocan police sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Samuel Mina, Jr.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …