HARD TALK!
ni Pilar Mateo
ITONG si Christi Fider na recording artist ng Ivory Music, ang sipag alagaan ang mga kanta niya sa iba’t ibang music platforms.
Kaya rin siguro inspired ang composer (na director din) na si Joven Tan na hainan siyang lagi ng bagong piyesa.
Matapos ang tagumpay ng kanta ni Kite na Teka, Teka, Teka na umani ng sangkaterbang subscribers at pinansin in all digital platforms, sinundan na ni Direk Joven ang isa pang kanta na bagay kay Kite at sa mga tagahanga nito.
Heto Na Naman! ang titulo ng bago niyang song.
Ilang tanong ang inihain ko sa dalaga.
Ang inspirasyon ng kanta o ano ang mga pinaghugutan nito.
“It was written by direk Joven Tan but somehow I can still relate to it hehe. I feel like madaming tao talaga ang makare-relate kasi normal na sa atin ‘yun na kahit paulit-ulit tayong nabibigo sa pag-ibig hindi tayo natatakot na sumubok ulit.”
After Teka, paano mo naman pinaghandaan this piece?
“I’m in the stage kasi of finding my own sound kaya plan talaga namin to try different genres. ‘Teka,Teka,Teka’ is very bubbly and happy kasi so, sabi ni direk Joven try naman natin ng hugot na song.”
Nasa panahon pa rin tayo ng pandemya, ano ano pa ang mga nadi-discover at natututunan mo as time goes by?
“One thing na pinakanatutunan ko is kailangan we know how to adapt. Life is very uncertain kasi so, dapat palagi tayong ready sa kahit na anong darating sa atin.”
Are you in a relationship?
“Secreeeeet. hahaha! Pero right now I’m focused sa career. ‘Yung love darating ‘yan. Ayoko siya madaliin kasi I want to be with someone na maiintindihan ako and will be very patient with me.”
Marami ang makare-relate sa bago mong kanta. You’ve fallen in and out of love, ano ba ang mabisang advice sa mga bagong pumapasok sa pakikipag-ibigan?
“Just be yourself, kasi the right person will fall in love with you even if makita niya ‘yung flaws mo. Also, know your limits kasi I feel like roon mo makikita if sincere ‘yung person sa ‘yo or if he respects you.”
Another winner na kanta na naman ang nahugot ni Direk Joven para sa nagiging paborito na niyang taga-interpret ng kanyang awitin.
Eh, panalo namang Musa itong si Kite! Kaya lab na lab din siya ng Ivory Music!