INAMIN ni Jennica Garcia sa isang interview na inaayos na nila ni Alwyn Uytingco ang kanilang relasyon. Nasa proseso sila ni Alwyn ng pagbabalikan.
Sabi ni Jennica, “I am very thankful to Jesus because he heard my prayers. He gave me what I was waiting for-Alwyn to comeback for us. He expressed his desire for family restoration.”
Hindi naman sinagot ni Jennica ang tanong kung magkasama na muli sila sa isang bahay.
Ayon kasi sa aktres, kinakabahan siya kapag nakikita sa social media na pinag-uusapan silang dalawa.
May 2021 nang aminin ni Jennica na hiwalay na sila ni Alywyn. Lumipat ng tirahan ang aktres at ibinenta ang ilan sa kanilang mga kagamitan.
Marami namang netizen ang natuwa sa pagsubok ng dalawa na ayusin ang kanilang marriage.
Sana nga ay magkabalikan na sina Alwyn at Jennica para na rin sa kanilang dalawang anak. Iba pa rin kasi na buo ang isang pamilya, ‘di ba?