Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jackie Rice gaganap daw na Valentina

NANG ilabas ng ABS-CBN ang mga gaganap sa TV series ng Darna, na pagbibidahan ni Jane de Leon, hindi kasama rito ang gaganap na Valentina, ang babaeng may mga ahas sa ulo.

Maraming espekulasyon na si Jackie Rice ang napili para sa iconic role.

Ayon sa post ng isang Twitter user, sinabi rito na nililigawan ng Kapamilya Network si Jackie na lumipat na sa kanila dahil wala na itong kontrata sa GMA 7.

Naispatan din umano sa dinner si Jackie na kasama ang mga executive ng Dos. At ang una nga raw project na ibibigay dito ay ang Darna.

Dahil dito, tumaas ang kilay ng ilang mga netizen. At ayon sa isa, maming walang trabaho sa ABS-CBN at bakit kailangan pang kumuha ng talent sa kabilang network.

Kuwestiyon naman ng isa, paano ang mga loyal talent ng Dos na mas piniling maging loyal sa kanila, kaya dapat ang mga ito ang unang binibigyan ng project.

Well, abangan na lang natin sa announcement ng ABS-CBN kung kanino nga nila ibibigay ang role na Valentina. Kung kay Jackie nga ba, o sa iba? At kung totoong lilipat na ang dalaga sa Dos.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …