Sunday , November 17 2024
Carlo Katigbak, ABS-CBN, PMPC, Star Awards

Wagi pang Best Station at Silver Medal sa NY Festivals
ABS-CBN LEHITIMONG TV STATION PA RIN KAHIT WALANG PRANGKISA AT IPINASARA

HATAWAN
ni Ed de Leon

KUNG iisipin mo, technically, ang ABS-CBN ay hindi na isang TV station, dahil simula nga noong harangin na ang kanilang franchise renewal at bawian sila ng lisensiya para sumahimpapawid, wala na silang TV o radio station. Off the air na nga kasi sila. Pero hindi tumigil ang ABS-CBN. Wala man silang franchise, itinuloy nila ang produksiyon ng mga dati nilang TV show, at gumagawa rin sila ng mga bago, at inilalabas nila sa mga internet channel, sa cable at sa kanilang mga blocktime agreement sa ibang TV stations kagaya ng TV5 at Zoe TV.

Maliwanag kung ganoon na ang ABS-CBN ay isa nang program o content producer, para sa internet, at mga cable, at mga TV station na
napasukan nila ng blocktime agreement. Pero kahit na sila ay technically hindi na isang TV station, ganoon pa rin ang pagkakakilala ng mga tao sa kanila. Isang TV station na wala nga lang on the air broadcast.

Kung ang bagay na iyan ang pagbabatayan mo, masasabi mong ang napahiya rin ay ang mga taong ang akala ay mabubura nila ang ABS-CBN oras na maalisan nila ng franchise. At dahil nanatili nga ang ABS-CBN, sa kabila ng katotohanang wala iyong franchise, sila ngayon ay parang bangungot sa mga kumalaban sa kanila na ikinakampanya nilang huwag iboto sa 2022, at sinasabi naman ng mga follower nila na hindi nga nila iboboto kahit na dumating pang may dalang sako-sakong pera.

Ang dagdag pang insulto sa mga nagpasara sa ABS-CBN, matapos ang mahigit na isang taon na iyon ay sarado, may bumoto pa roong Best TV station. Ang mas matindi, ang estasyon ay nanalo pa ng Silver Medal mula sa New York Television and Film Festival dahil sa isang makabuluhan nilang documentary, at kinikilala pa rin silang isang lehitimong TV station kahit na sila ay off the air. Kung pagbabatayan mo ang katotohanang umiiral, ang ABS-CBN ay nananatiling isang de facto TV station kahit na nga hindi na dinugtungan ang kanilang franchise, at kung matatalo nga sa susunod na taon ang kanilang mga kalaban na may bantang magdala ng sako-sakong pera para tiyak na manalo, aba eh walang dudang makababalik din agad
ang ABS-CBN.

About Ed de Leon

Check Also

Robin Padilla WPS

Robin gagawa rin ng pelikula ukol sa West Phil Sea

IKINAGALAK ni Dr Michael Raymond  Aragon, Executive Producer ng WPS (TV/ Radio series na ipinalalabas ngayon sa DZRH TV at DZRH radio) at …

Ken Chan Café Claus

Ken Chan iginiit: Hindi po ako nanloko

ni JOHN FONTANILLA BINASAG ni Ken Chan ang pananahimik matapos mabigong pagsilbihan ng mga awtoridad ng warrant …

Yasmien Kurdi Rita Daniela Archie Alemania Baron Geisler

Yasmien aminadong may trauma pa rin kay Baron, pinayuhan si Rita

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Yasmien Kurdi sa radio program ni Gorgy Rula, natanong siya …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana

KathDen fans umalma, vloggers na nagpakalat ng HLA video clips tinalakan

MA at PAni Rommel Placente MAY ilang vloggers na nagpapakalat ng video clips na kuha …

Rhian Ramos Rita Avila

Rita Avila saludo sa kabaitan at marespeto ni Rhian Ramos

MATABILni John Fontanilla PURING-PURI ng beteranang aktres na si Rita Avila ang kabaitan at pagiging marespeto ng …