Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Chris Tiu, Roadfill Macasero, Shaira Diaz, I-Bilib

Matuto habang nanonood ng siyensya

Rated R
ni Rommel Gonzales

NGAYONG Linggo, sa kanilang ika-500 episode, matuto habang nag-e-enjoy tungkol sa siyensiya sa panonood ng bagong-bagong episode ng I-Bilib sa GMA.

Samahan ang ating award-winning host na si Chris Tiu, ang mahusay na komedyanteng si Roadfill Macasero, at ang Kapuso sweetheart na si Shaira Diaz sa kanilang sari-saring eksperimento.

Alamin kung ano ang mas madaling gamitin; bola ng tennis, beach ball o bola ng volleyball? Panoorin ang I-Bilib Barkada na maglaro ng exciting Giant Pong game para malaman kung alin ang mas madaling i-shoot.

Alam n’yo ba na may mga laro na gumagamit ng bola simula pa noong 1,000 taon na ang nakararaan?

Alamin kung ano ang mga ito sa Ball From The Past Trivia.

Samantala, kilalanin si Vino Cuenca, ang Beatbox Champion ng Canada habang ipinakikita ang kanyang kagila-gilalas na beatbox routine sa Bilibabols segment.

Mahilig ka bang kumain ng mais? Huwag mong itapon ang pinagkainan mo dahil maaari silang gawing cute na mga robot sa Corncob Bots Experiment.

At alam n’yo ba na maaaring gumawa ng gintong medalya mula sa mga electronic junk? Believe it! Alamin sa E-waste Gold Medals Trivia.

At gawing mas espesyal ang inyong meryenda kasama si Shaira at ang kanyang masarap na Edible Gold Medal Life Hack.

Kaya gawing masaya at puno ng kaalaman ang inyong Sunday mornings with I-Bilib.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …