Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

Live-in partners, isa pa timbog sa buy-bust

SWAK sa kulungan ang live-in partners at isa pa sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Lt. Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police ang mga naarestong suspek na sina Mark Anthony David, alyas Mak, 37 anyos, motorcycle mechanic, partner niyang si Carol Ramos, 32 anyos, at Coney Rubio, 42 anyos, housemaid, pawang residente sa Sampaloc, Maynila.

Batay sa ulat ni P/SMSgt. Fortunato Candido kay Valenzuela City police chief Col. Ramchrisen Haveria, Jr., dakong 7:00 am nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Madregalejo ng buy bust operation sa  Karuhatan Road, Brgy. Karuhatan ng nasabing lungsod.

Isa sa mga operatibang nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksiyon sa mga suspek ng P500 halaga ng droga.

Nang matanggap ang pre-arranged signal mula sa poseur-buyer na nakabili na siya ng droga ay agad lumapit ang back-up operatives at nagpakilalang mga pulis saka inaresto ang mga suspek.

Nakuha sa mga suspek ang tinatayang nasa apat gramo ng hinihinalang shabu, may standard drug price P27,200, buy bust money, P1,000 cash, at tatlong cellphones.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …