HARD TALK!
ni Pilar Mateo
NASA New York, USA ang King of Talk na si Boy Abunda para mag-host ng TOFA (The Outstanding Filipinos In America) Award ni Elton Lugay na ginanap sa Carnegie Hall noong October 7, 2021.
Isa sa tumanggap ng parangal sa TOFA ang founder ng Ia’s Thread na si Ia Faraoni, for Environmental Welfare and Advocacy.
Ito naman ang sorpresa kay Kuya Boy ng mga kaibigan niya roon, kinuha siya para maging endorser ng nasabing clothing brand na naglalabas din ng mga sari-saring designs ng bags. Ito nga ang Ia’s Threads.
Hindi lang basta nag-endoso ng naturang brand si Kuya Boy.
Inilunsad ang kanyang digital billboard sa Times Square na bitbit niya ang Diwata Jaune backpack tote ng Ia’s Threads.
Ito ang same brand na naglagay din kay Yam Concepcion sa nasabing billboard.
Sabi nga ng mga dumalo sa naturang event sa pinaka-abalang lugar sa New York, “Asia’s King of Talk electrified the crowd with the launch of his digital billboard in Times Square.
“What a great way to show celebration of the Filipino-American History Month ~ showcasing sustainable Philippine-made product that brings alive the story of ancient Filipino craftsmanship, with Asia’s King Of Talk right in the center of the most visited tourist attraction,” dagdag pa nila.
Pasasalamat ang ipinaaabot ng grupo sa team na binuno ang pictorial ng isang buong araw.
Iba talaga ang lakas ng isang Boy Abunda. Hindi lang pang-Asia, pang-Amerika pa!
Nagkaroon ng pagkakataon si Kuya Boy, ang partner niyang si Tito Bong, stylist na si Demi and personal assistant na si Dada na makapag-ikot pa sa ibang interesting spots in New York. Bumisita sila sa isang Winery. Tumawid sa Brooklyn Bridge. Binisita ang pamosong Dumbo.
Nagkaroon ng pagkakataon si Kuya Boy na personal na makilala ang mga host ng Over A Glass Or Two na sina Jessy Daing at JCas Jesse at direk JV Valino, na minentor niya at in-inspire para magpatuloy sa kanilang live streaming sa pakikipanayam at pakikipag-tsikahan sa maraming celebrities from the Philippines and in their dearest USA, sa OAGOT.
Ini-enjoy na rin ni Kuya Boy ang digital platform sa panahong ito.
Pero may mga pagkakataong gaya nito na gagawin pa rin niya ang one thing he is so passionate about–hosting. In spite of the pandemic, he did it LIVE at the Carnegie Hall na nakasama niya si Jaya.
At nakabisita pa kay LJ Reyes sa bagong bukas na café nito in the heart of New York!
Ilang araw lang siya maglalagi sa New York kaya he and his companions made the most of their stay in the Big Apple!