Saturday , November 16 2024
Raffy Tulfo

Raffy Tulfo, kakampi sa senado ng mga naaaping manggagawa at OFWs

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IPINAHAYAG ng kilalang broadcaster at sikat na social media personality na si Raffy Tulfo ang dahilan kung bakit siya nagpasyang tumakbong senador.

“Bakit nga ba?” Saad ng tinaguriang Idol ng mga Naapi na napakaraming natutulungan sa show niyang Raffy Tulfo In Action (RTIA).

Pagpapatuloy pa niya, “Sabi nila, maayos ang iyong sitwasyaon bilang isang broadcaster, top rated ang show mo, number 1 ka sa Youtube, kumikita ka nang maayos, bakit ka papasok sa politika? Para kang kumuha ng bato at pinukpok sa ulo mo. So, bakit nga ba?

“Ito po iyon… sa loob po nang mahigit dalawang dekada ko na sa public service bilang broadcaster, private citizen doing public service, na kung saan araw araw, nakakaharap at nakakausap ko ang mga tao na idinudulog ang mga samo’t sari nilang problema. Lahat na yata ng problema ng mga Filipino ay napakinggan ko na at naaksiyonan ko. Ramdam ko po ang kanilang paghihirap, ramdam ko po ang kanilang kinikimkim na sama ng loob dahil hindi po inaaksiyonan ng mga kinauukulan ang kanilang problema, so they come to me as a last resort.

“Ramdam ko ang kanilang galit sa sistema, pero hindi ko ginagatungan ang kanilang galit. Sa halip sinasabi kong, ‘Chill-chill lang, kaya natin iyang ayusin’. At inaayos po natin, binibigyan ko po ng solusyon,” mahabang esplika ni Tulfo.

Madalas daw ang mga inilalapit sa kanila ay ukol sa kinukupitan ng kanilang amo ang mga manggagawa, hindi ibinibigay ang tamang suweldo, benepisyo, overtime pay, 13th month pay. Ang masaklap pa raw, may kasamang mura at may kasama pang pananakit ang inaabot ng mga pobreng obrero. “Now ano ang ginagawa ko, dadalhin ko sila sa DOLE, pagdating sa DOLE kakausapin ng arbiter ‘yung amo and employees, pag-aayusin sila at dahil nandiyan kami, nagkakaayos,” aniya pa.

Pero, ang ganitong mga insidente raw ay paulit-ulit na lang nangyayari, ibang employees lang daw at ibang employer, pero pare-pareho rin ang problema nila.  

“So I told myself, it’s about time I have to break this cycle na nakaka-stress po at nade-depress na po ako dahil nakikita kong wala na yatang katapusan. And how would I break that cycle? Kasi po bilang isang private citizen, mayroon pong limitasyon ang tulong na maibibigay ko, alam n’yo naman siguro iyan. 

“To solve a problem, a perennial problem in the government, it has to be somebody from the government to solve it. So that means, I have to be in the government to solve a problem inside the government and I cannot do that if I’m a private citizen. So, therefore sinabi ko sa sarili ko, forget about itong ginagawa ko araw-araw na nakakasuka na dahil paulit-ulit na lang itong makukulit na employer, I have to do something dahil sawa na ako.

“Kumbaga sa sakit, yung band aid solution… bakit ko bibigyan ng band aid solution itong mga manggagawa, bakit hindi na lang major surgery?  Iyong major surgery na iyon, tutumbukin ko ang pinaka-root ng problema at aayusin. And how can I do that, to pass legislation, para once and for all ay ma-address na po ‘yung mga problema ng maliliit, mahihina… mga walang boses sa lipunan na mga kababayan natin.

“Kapag tayo’y pinalad, ang magiging pundasyon ng ating panunungkulan… hihiramin ko ang slogan ni dating Pangulong Magsaysay na: ‘He who has less in life, should have more in laws’,” sambit pa niya.  

Nabanggit din ni Idol Raffy na gagawin niyang batas ang Wage Theft Law, bilang proteksiyon sa mga manggagawa sa mga abusadong employer.

Nangako rin si independent senatorial candidate Tulfo na isusulong ang mga panukalang magtataguyod sa karapatan at kapakanan ng manggagawang Filipino – maging dito man o sa ibang bansa, na magbibigay sa kanila ng proteksiyon laban sa pang-aabuso kapag nahalal sa Senado. “Araw-araw sa aking programa, karamihan sa mga lumalapit at mga OFW at manggagawa ay nakaranas ng pang-aabuso sa kanilang employers at hindi nabigyan ng tamang suweldo o benepisyo. Panahon na upang tuldukan ito.”

Una sa listahan ng legislative agenda ni Tulfo ang paglikha sa Department of OFWs, na tututok sa pagbabantay sa kapakanan at proteksiyon ng mga Filipinong nagtatrabaho sa ibang bansa. “Isa iyan sa mga gagawin kong unang-una sa mga agenda ko na pag-usapan at talakayin at ipu-push ko na dapat iyang maisakatuparan, na iyong tinatawag nating Department of OFW na magbibigay ng malawakang proteksiyon sa ating OFWs,” giit pa niya.

Bahagi ng planong Department of OFW bill ni Tulfo ang palagiang pagbabantay sa ating OFWs sa iba’t ibang bahagi ng mundo upang masigurong protektado sila laban sa anumang pang-aabuso sa kanilang mga amo. Dagdag pa rito, sinabi ni Tulfo na magbabalangkas siya ng panukala na magpaparusa sa mga lokal na employer na mabibigong magbayad ng tamang sahod at benepisyo sa kanilang mga manggagawa. “Titiyakin natin na maparurusahan ang mga employer na hindi nagbabayad ng tamang suweldo sa kanilang mga manggagawa,” pangako ni Tulfo

About hataw tabloid

Check Also

Ken Chan Café Claus

Ken Chan iginiit: Hindi po ako nanloko

ni JOHN FONTANILLA BINASAG ni Ken Chan ang pananahimik matapos mabigong pagsilbihan ng mga awtoridad ng warrant …

Bamboo Kawayan

Pamangkin hinamon ng duwelo , Tiyuhin patay sa palo ng kawayan

BINAWIAN ng buhay ang isang 55-anyos na lalaki matapos ilang ulit paluin sa ulo ng …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Yasmien Kurdi Rita Daniela Archie Alemania Baron Geisler

Yasmien aminadong may trauma pa rin kay Baron, pinayuhan si Rita

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Yasmien Kurdi sa radio program ni Gorgy Rula, natanong siya …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana

KathDen fans umalma, vloggers na nagpakalat ng HLA video clips tinalakan

MA at PAni Rommel Placente MAY ilang vloggers na nagpapakalat ng video clips na kuha …