Friday , November 15 2024

Sa 97 tatakbong pangulo, ilan ang magiging nuisance candidates?

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

ISA lamang ang kahulugan kung bakit napakaraming gustong maging pangulo ng bansang Filipinas.

Dahil ang gustong sumunod na Pangulo ay hindi diktador o epekto kaya ng kanilang naranasan sa administrasyong Duterte? Palamura, pati personal na itsura ng tao ay pinupuna, o dahil sinungaling, o kaya ay benggador.

Kung makakausap n’yo ang majority ng mga driver ng pampublikong sasakyan, taxi, jeepney at bus driver, ang gusto nila ay si BBM o kaya ay si Leni Robredo. Katuwiran nila si BBM ay dinaya umano noong May 2016 national elections. ‘Yun ang kanilang akusasyon.

Pero si Robredo ang katunggali ni BBM. Sa mga Class A na botante, majority, si Leni Robredo ang gusto nilang maging pangulo dahil wala pang bahid ng korupsiyon. At siguradong suportado ng mga dilawan, kaya ‘di pa rin nakatitiyak si BBM.

Ang higit na nakapagtataka, ang ambisyon ni Manila Mayor Isko Moreno na bagama’t isang termino pa lang bilang alkalde ng Maynila, heto at matapang na haharapin ang pagtakbo bilang pangulo ng bansa.

Sinundan ng paghahain ng certificate of candidacy ni Bato dela Rosa, gayong nang manalo bilang senador ay marami ang nagduda, tila may ‘basagan’ na magaganap dahil bata siya ni PRRD.

Unang nagpahayag ng pagka-pangulo ay si Senador Panfilo Lacson, na hindi na rin matatawaran ang kakayahan sa larangan ng politika. Pero pilit na idinidikit sa kanya ang mga kaso ng Kuratong Baleleng at mga kidnap for ransom (KFR) sa mga tsekwa.

Ito namang si Manny Pacquiao, ubod nang dami ng pera, pero sabi nila magsasayang lang ng pera. Sa aking palagay matalo manalo, ok lang kay Manny. Ang mahalaga ipinakita niya na galit siya sa administrasyong Duterte. Puwede!

Sa inyong palagay, sino sa tatakbong pangulo ang maghahabulan sa bilang ng boto? Ako duda ko lang BBM vs Leni Robredo.

Sana maaga pa lang, alisin na ng COMELEC ang nuisance candidates. Meron pa nga na pangulo lang ng mga manggagawa… baka ‘pag ‘yan ang naging Pangulo, siya na may-ari ng kanyang pinagtatrabahuan.

Kaya mga kabayan, piliing mabuti kung sino ang inyong napupusuan na magiging lider ng bansang Filipinas. Tama na ‘yung minsan ay nagkamali sa ibinoto.

About Amor Virata

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …