Thursday , May 8 2025
Philippines Covid-19

PH kulelat sa global Covid-19 recovery index

KULELAT ang Filipinas sa CoVid-19 recovery index na ginawa ng Nikkei Asia.

Nasa ika-121 ang Filipinas nang iranggo ang 121 bansa sa mundo pagdating sa kakayahang maka-recover sa pandemya.

Ibinatay ng Nikkei Asia ang pag-aaral sa infection management, vaccination rollout, programs at social mobility.

Kabilang sa pinagbasehan ang mababang vaccination rate ng bansa na 30% lamang ng populasyon ang nababakunahan.

Depensa ni Health Spokesperson Maria Rosario Vergeire, ang pinagbasehan kasi ng pag-aaral ay pitong araw sa buwan ng Setyembre.

“Dito po ‘yong panahon na mataas ang kaso sa ating bansa kompara sa ibang bansa (kung saan) nakalampas na po ‘yung peak ng cases nila… ang bakunahan din po was affected by this increasing number of cases in the country,” ani Vergeire.

Pumalag din si vaccine czar Carlito Galvez sa pag-aaral, mababa umano ang case fatality rate o porsiyento ng namamatay sa sakit, kompara sa ibang bansa sa ASEAN. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

PNP CIDG

P1.1-M ilegal na produkto mula Korea nasamsam
DAYUHANG NEGOSYANTE, 2 EMPLEYADO ARESTADO

SA DIREKTIBA ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil na pahusayin ang pag-iwas sa krimen …

Sara Discaya

Sarah Discaya sa mga Pasigueño: Piliin ang mga pinunong inuuna kayo

PASIG CITY — Nanawagan ngayong araw si mayoral candidate Sarah Discaya sa mga Pasigueño na …

Bulacan Police PNP

7 wanted persons tiklo sa manhunt operations

NASAKOTE ang pitong wanted na indibiduwal sa magkakahiwalay na operasyong isinagawa ng Bulacan PPO mula …

Norzagaray Bulacan police PNP

Sa Norzagaray, Bulacan
PUGANTE NASUKOL SA PINAGTATAGUAN DERETSO KALABOSO

NAGWAKAS ang matagal na panahong pagtatago nang tuluyang mahulog sa kamay ng batas ang isang …

Comelec

Comelec “All systems go” sa eleksiyon sa Lunes

“ALL SYSTEMS GO” na ang Commission on Elections (Comelec) para national and local elections (NLE) …