Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

Bebot, 2 kelot ‘suminghot’ natimbog

TATLO katao kabilang ang isang babae ang huli sa aktong sumisinghot ng shabu sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/Lt. Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela Police ang inarestong suspek na sina Jayson Abucot, 41 anyos, obrero; Jonathan Pusing, alyas Atan, 36 anyos, pedicab driver, at si Josie Santos, 21 anyos, pawang residente sa Pinalagad, Brgy. Malinta.

Sa report ni P/SMSgt. Fortunato Candido kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria, Jr., dakong 4:00 am nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Madregalejo ng validation sa Area 1 Pinalagad, Brgy. Malinta, base sa natanggap na ulat mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap na ‘illegal drug activities’ sa lugar.

Dito, naaktohan ng mga operatiba ang mga suspek na sumisinghot ng shabu sa loob ng isang walang numerong bahay dahilan upang arestohin ang tatlo.

Nakompiska sa mga suspek ang tinatayang nasa tatlong gramo ng hinihinalang shabu, may standard drug price na P20,400, isang bukas na transparent plastic sachet, cellphone, at ilang drug paraphernalia.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …