“P ERFECT ang kanyang lips bilang singer, pero dancer din pala siya. Sabi ng friend ko magaling daw siyang dancer at hitsura lang ng mga nagsasayawan sa Tiktok,” sabi ng isang fashion designer na nagtsismis sa amin.
Para mas maintindihan ninyo, ang tsismis niya sa amin, ito ay tungkol sa isang matinee idol na sinasabi niyang gay, kaya more or less, alam na ninyo kung ano ang ibig sabihin ng “singer” at ”dancer.”
Medyo galit din ang designer sa gay matinee idol dahil iyon nga ay bata, pogi, at gay. At sinasabi nga niyang nakipagkita sa isang “male model” na nakaka-date rin niya at “nagpakaldag.” Natural talo na ang may edad na gay.
Si gay matinee idol naman, natsitsismis na iyan noon pa, pero dahil pogi nga ay marami pa ring fans at kinakagat pa ang kanyang pakikipag-love team sa isang babae, kahit na sa totoong buhay ay lalaki ang gusto niyang makasama.
Hanggang kailan kaya maitatago ng matinee idol na siya ay may dugong bampira? (Ed de Leon)