Friday , April 18 2025
Ricky Lee

Ricky Lee at iba pang writers ng Dos nasa GMA na

HATAWAN
ni Ed de Leon

LUMIPAT na pala sa GMA7 ang beteranong writer na si Ricky Lee. Pero hindi lamang siya ha, may ilan pang mahuhusay na writers at creative personnel ang ABS-CBN na tumalon din sa Kamuning at ngayon ay bahagi na ng creative team ng kanilang network. Makikita mo na ginagawa nila ang lahat para maitaas ang kalidad ng kanilang show sa pagkuha ng mga tauhang palagay nila ay may alam. Kailangan nating aminin na noong araw, bagama’t paminsan-minsan ay nalulusutan nila ang ABS-CBN, nananatiling mas malakas na network iyon at ang mga serye noon sa primetime na mas sinusubaybayan ng mga tao. Sa natatandaan namin, talaga lang nalampaso ng GMA ang ABS-CBN, noong gawin nila ang Mulawin nina Richard Gutierrez at Angel Locsin, at noong ilagay nila sa prime time ang Jewel in the Palace na highest rating Korean drama in history.

Ngayon kinuha nila ang matitibay na writers ng mga drama ng ABS-CBN, pero mukhang tahimik naman ang mga resident writers ng GMA na dati na sa kanila. Maging iyong si Suzette Doctolero walang reaksiyon sa invasion ng mga taga-ABS-CBN sa teritoryo nila. Tiyak apektado ang mga dating writers ng GMA sa pagpasok ng mga bago.

Mababawasan kung hindi man sila mawalan ng kita.

About Ed de Leon

Check Also

Nora Aunor

Nora Aunor pumanaw na sa edad 71

PUMANAW na ngayong araw ang National Artist for Film and Broadcast Arts, Superstar Nora Aunor. Siya ay 71 …

Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine sinopla ang isang netizen

MATABILni John Fontanilla HINDI napigilang sagutin at patulan ni Nadine Lustre ang isang  netizen na nagkomento sa …

ER Ejercito Comelec

Overspending case ni dating Laguna Gob ER Ejercito ibinasura na ng Comelec En Banc

DINISMIS na sa wakas matapos ang 12 taon ng Commission on Elections (COMELEC) En Banc ang kasong …

MTRCB

Paalala ng MTRCB sa mga PUV Operators: “G” at “PG” na palabas lang sa bawat biyahe

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio Sa pagdagsa ng mga biyahero ngayong Semana Santa, muling nagpaalala ang …

Holy Week Cross Semana Santa

Have a blessed Holy Week 

I-FLEXni Jun Nardo PAHINGA muna tayo Hataw readers ngayong Holy Thursday hanggang Saturday. Sa Sunday na eh …