Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maja Salvador, Eat Bulaga

Pagbulaga ni Maja sa EB walang dating

HATAWAN
ni Ed de Leon

SORRY ha, pero sa tingin namin parang walang dating iyong pasok ni Maja Salvador sa Eat Bulaga. May ginagawa kasi kami, hindi kami nakatingin sa TV. Basta may nagkukuwento lang na bata pa raw siya ay nanonood na sila ng Eat Bulaga. Akala nga namin contestant lang sa Bawal Judgmental, hanggang sa banggitin ang kanyang pangalan kaya

sumulyap kami sa TV, si Maja na nga pala iyon.

Nasanay kasi kami na malakas ang dating ng mga babae sa Eat Bulaga. Kung natatandaan ninyo, ang dating ng dancer na si Samantha Lopez na tinawag na Gracia, tapos si Rochelle Pangilinan, ganoon din si Sugar Marcado na tinawag nilang Hopia, at ang naging pinakamalakas ang dating na hindi naman kilala noong una ay si Maine Mendoza. Ewan pero bakit ang pasok ni Maja ay walang dating.

Siguro hindi maganda ang timing, kasi mula sa ABS-CBN, nag-host na siya ng isang show na natigok naman agad sa kawalan ng ratings. Hindi pa siya nakabangon agad pagkatapos niyon. Gumawa pa siya ng isang serye na hindi rin naman halos napansin. Idiniin pa niya na siya ay sa Tape Inc., lang at walang kinalaman sa GMA 7. Iyon pa ang isa, noong bumalentong ang kanilang Sunday show, kumalat na lilipat na raw siya sa Kamuning, pero hindi nga nangyari.

Palagay namin ang isa pang factor, wala kasi sa studio si Joey de Leon, eh siya ang malakas gumawa ng gimmick sa mga babaeng Dabarkads. Iba iyong biglaang idea ni Joey eh. Hindi nga ba pati iyong mga dancer nila na tinawag niyang Sex Bomb ay sumikat halos lahat ng solo?

Kung nasa live studio si Joey, palagay namin mas nagging maganda ang pasok ni Maja. Kaso nga wala eh. Hindi natin maikakaila ang katotohanan na iyang Eat Bulaga, show iyan ng TVJ, at kung wala sila, ewan kung kaya nga nilang ituloy ang show. Malungkot, pero sa palagay namin hanggang hindi normal ang lahat, at hindi pinapayagan sa studio ang mga senior na kagaya nina Vic Sotto at Joey, hindi muna dapat na maglagay ng mga bagong dabarkads, dahil hindi mapapalakas ang dating.

Hindi pa iyon kaya ni Jose Manalo.

Malalaman natin kung may isusunod pa sila kay Maja, pero sana mas magkaroon ng  kaunti pang buhay ang pagsali nila sa show, kasi kung hindi, hindi rin sila mapapansin doon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …

Bojie Dy Sandro Marcos

Speaker Dy, Majority Leader Marcos naghain ng makasaysayang Anti-Political Dynasty Bill

ni Gerry Baldo ISINASAKATUPARAN ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kanyang pangakong repormang …

Arrest Shabu

Parang kendi lang kung magbenta ng shabu sa kalye, 2 tulak nakalawit

DALAWANG personalidad na kabilang sa isinasangkot sa droga ang naaresto ng mga awtoridad sa ikinasang …

PRC Physician Doctor Medicine

PRC Board of Medicine aprubado para sa imbestigasyon laban sa mga doktor ng Bell-Kenz

MALUGOD na tinanggap ng abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao na si Lorenzo “Erin” Tañada …