Friday , November 15 2024
Navotas namahagi ng allowance sa SPED students

Navotas namahagi ng allowance sa SPED students

NAMAHAGI ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng cash allowance sa special education (SPED) students.

Nasa 376 benepisaro ng Persons with Disabilities (PWD) Students Educational Assistance/Scholarship ang nakatanggap ng kanilang cash allowance.

Sa bilang na ito, 341 ang elementary pupils, 13 ang high school students, at 22 ang college students.

Sa ilalim ng scholarship, magbibigay ang Navotas sa PWD students ng P500 monthly educational assistance o P5,000 kada academic year.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, layon nitong kahit sa munting paraan, matulungan sila ng pamahalaang lungsod sa kanilang pag-aaral.

Ang mga aplikante sa programa ay kailangan Navoteños o kahit isa sa kanilang mga magulang/guardians ay bona fide resident/s at rehistra­dong botante sa Navotas.

Kailangan magpatala sila sa isang pampublikong paaralan o anomang paaralan na SPED sa lungsod.

Dapat mayroon din silang PWD identification card na inisyu o validated ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) at ang kanilang pamilya ay hindi dapat benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …