Friday , April 4 2025

Anomalya ‘di politika dapat tutukan ng Task Force LAG (Sa Pandi, Bulacan)

NARARAPAT tutukan ng Task Force LAG ni Pandi Mayor Rico Roque ang pagpapalutang ng kato­tohanan kung may naga­nap ngang anomalya sa likod ng reklamo tungkol sa  pagbabawas ng P5,000 hanggang P10,000 sa Livelihood Assistance Grant (LAG) imbes na palutangin ang usapin ng politika.

Ito ang pahayag ni Pandi Councilor Cris Castro kasunod ng pagkakadawit ng kanyang pangalan sa imbestigasyon ng Pandi Task Force LAG mula sa rebelasyon ng isang kinilalang ‘Madam Whistleblower’ na hinikayat umano sila ng isang Konsehal Cris na mag­sampa ng reklamo sa National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon kay Castro, hindi ito usaping politika kundi usapin ng pananagutan sa bayan para malaman ang katotohanang kung tama bang bawasan ang pera mula sa LAG at ilagak sa mga kooperatiba o mga samahan.

Dagdag ni Castro, dapat pagtuunan ng pansin ng imbestigasyon ng Task Force LAG ng Pandi ay kung may katotohanan nga ba ang mga reklamo.

Aniya, mas interesado ang nakararaming mala­man, una kung sapilitan ang pagkaltas at puwersa­hang paglalagak ng mala­king parte ng ayuda na tinanggap sa mga kina­tawan ng Magic 7 Cooperative na sinasabing para palaguin ang puhunan ng mga benepisaryo.

Nais din ni Castro na masagot ang pangalawang katanungan kung ano ang talagang pangyayari sa likod ng mga anomalya sa SAP at LAG.

Dagdag niya, kaila­ngang isang ‘neutral’ na ahensiya ang magsagawa ng pormal na imbestiga­syon kaugnay sa anomalya at hindi ang lokal na pamahalaan ng Pandi upang malaman ang mga tunay na pangyayari nang walang bahid na pag­tatakip o pagtatago ng katotohanan.

Dapat umanong mala­man kung sino-sino ang mga taong dapat imbesti­gahan kung sakali mang may katotohanan ang mga anomalya sa SAP at LAG dahil aniya, mga tauhan din ng kasalukuyang alkal­de ang mga namumuno sa Magic 7 Cooperative na nabatid na hindi nakarehistro at walang legal na dokumento.

Maganda man ang intensiyon nito, nagtataka umano ang Konsehal kung bakit agad na nasabi ang kooperatiba at bakit ito pinayagan ng kasalukuyang alkalde gayong wala pa itong sapat na dokumento para sa kanilang operasyon.

“Ito ang dapat na masagot sa imbestigasyon ng Task Force at huwag ilihis na ang lahat dahil sa politika dahil pananagutan natin sa bayan ang ayuda na ibinibigay ng pama­halaan,” pahayag ni Castro.

Gayondin, mariing pinabulaanan ni Castro ang pahayag ng isang ‘Madam Whistleblower’ na siya ang nangalap ng 20 katao upang magsampa ng reklamo sa NBI.

Iginiit ni Castro, “Ayoko na sanang patulan ang ganitong mga paratang pero to set the record straight, mahigpit kong itinatangi ang nasabing paratang at ito ay walang bahid ng katotohanan.”

Para kay Castro, pinag-aaralan na nila ang legal na aksiyon kaugnay ng malisyoso at mapanirang-puring paratang.

Ani Castro, “Uulitin ko ayaw, ko na sanang patulan ito dahil baka ang nasabing witness ay isa lamang behikulo para dungisan at akusahan ang pangalan ko in light of upcoming elections.”

Handa umano si Castro na humarap sa pormal na imbestigasyon upang mapatunayan ang ktotohanan at malinawan ang sambayanan ukol sa malisyosong pagdawit sa kanyang pangalan.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

NANAWAGAN si re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., ng pagkakaisa sa gitna ng kinahaharap na …

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

INENDOSO at suportado nina Manila running councilor Pau Ejercito at Malou Ocsan ang Pamilya Ko …

Shamcey Supsup-Lee

Shamcey-Lee para sa Konseho sa Pasig, dinagsa ng suporta

LUMALAWAK ang suporta ng  kababaihan sa kandidatura  ni Shamcey Supsup-Lee bilang kinatawan ng unang distrito …

MNL City Run Presents Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ FEAT

MNL City Run Presents: Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ

Unleash Your Inner Champion, Run for a Cause! Get ready to lace up, push your …

NAITAS DOT magkaakibat para sa Takbo Para Sa Turismo

NAITAS, DOT magkaakibat para sa “Takbo Para Sa Turismo”

ANG National Association of Independent Travel Agencies (NAITAS) at ang Department of Tourism (DOT) ay …