Sunday , December 22 2024

Sana umalis na si CoVid-19, zero SAP na!

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

PARA sa special social programs ang isa sa gawain at tungkulin ng ahensiyang DSWD kaya kung sa taong 2022 ay patuloy ang pananalasa ng CoVid-19, wala nang nakalaan na pondo para sa amelioration fund na ipamamahagi ng DSWD. Maliban na lang kung may isang espesyal na batas na ihahain, ngunit paano, election is coming by 2022.

Lubog ang ating bansa sa utang dahil sa pandemya kaya tiyak na sakit ng ulo para sa susunod na mauupong pangulo ng ating bansa. Ubod laki ng utang ang pamanang iiwan.

Sakali namang kailanganin talaga, bukas daw ang ahensiya ng gobyerno kung kinakailangan ng pondo para sa SAP sakaling amyendahan ng Kongreso ang batas ukol dito. Ang tanong may pondo bang makukuha! Kawawang Filipinas!

Kung ako ang tatanungin five years old ako, naabutan ko ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos. Hindi kami nagutom, maliit ang tinatanggap ng aking ama bilang pensiyonado ng Veterans World War II, pito kaming magkakapatid, nabuhay kami nang maayos bagama’t bihira kaming kumain ng masarap.

Lahat kami ay nakapag-aral, dalawa kaming magkapatid na ibinigay sa aming lola para makabawas ang magulang ko sa gastos. Ganoon lang ang sitwasyon pero hindi nagutom ang aking pamilya. May pagkain sa mesa, kung alam namin na kulang ay pinagkakasya, ngunit masaya pa rin ang aming pa­milya.

Masarap nam­­­namin ang nakaraan, hindi gaya ngayon na maraming nag­hihirap, walang trabaho, hindi nakapag-aral.

Panahon ni Marcos ay aktibo ang price control council, ‘pag hindi ka sumunod sa itinakdang presyo, penalty ka o isasara ang iyong negosyo, pero ngayon pataasan ng presyo.

Kung si Bongbong Marcos ang maging Pangulo mabago kaya ang sistema ng gobyerno?

Kung si Isko Moreno, nakatitiyak ba tayo?

Kung ibabalik ang Duterte sa katauhan ni Inday Sara, mababawasan ba ang pagkakautang ng bansa na ipamamana ng kanyang ama? Kung si Manny Pacquiao, gagamitin ba niya ang kanyang salapi na ipinanalo sa boksing o ipupuhunan niya sa mga negosyo kapag siya ang naging pangulo?

Lahat sila, kuwestiyonable pa pero makikipagsapalaran ako kay BBM na sana mamana nito ang utak at talino ng kanyang ama! Kung paano tayo makaaahon sa hirap, paano aangat ekonomiya.

Ang mga kumakalat na paninira sa rehimeng Marcos, ito ay kagagawan ng mga oposisyon! Kahit saan ako magpunta BBM ang gusto nilang sumunod na pangulo ng bansa. Lalo ngayon alam ko na kung sino ang kakalingain ng INC.

About Amor Virata

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …