BULABUGIN
ni Jerry Yap
HINDI natin akalain na grabe palang mag-alboroto ang isang lady local government unit (LGU) official lalo kung pag-uusapan ang pagiging ‘chick boy’ ng kanyang mister, na nagkataong isang opisyal din sa isang lokal na pamahalaan sa kabiserang rehiyon.
Actually, hindi lang silang dalawa ni mister, pati ang ilan nilang kaanak o kapamilya ay nasa LGU rin — para silang Kamag-anak Inc.
Malulusog silang mag-isip kaya siguro paborito nila ang trabaho sa LGU. Kaya masasabi nating, maraming humahanga sa kanila.
Anyway, isang araw umano, nahuli nitong si lady LGU official ang ‘waswit’ na may kinakalantareng ‘chikababe’ sa kanyang opisina.
Nakupo, parang nag-Agatha Trenchbull si Madam! Hindi maawat sa pagwawala. At lahat ng makita ay iwinawasiwas. Ang tingin niya sa ‘chikababes ni mister ay parang si ‘Matilda.’
Nasira ang kanyang poise. At talagang naghulas daw ang paggalang ng mga nakakita, kasi inisip nilang malusog ang isip ni Madam at hindi aalagwa sa mga ganoong klase ng sitwasyon.
Heto na, nang mahimasmasan si madam sa kanyang pagka-Trenchbull, agad niyang hinarap ang mga saksi, at sinabing, “huwag na huwag makalalabas ang nasabing insidente,” dahil kung hindi, may kalalagyan sila.
Aba, matindi rin palang magbanta si Madam. Parang may pinagmanahan.
Anyway, gusto ba ninyong malaman kung sino si Madam?
Basta, healthy siya. Gets n’yo na?!
Kung sinong maka-gets, may libreng tour sa boys town.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com