Saturday , November 16 2024
Riding-in-tandem

Riding-in-tandem snatchers arestado sa Malabon

HINDI nakawala sa kamay ng mga awtoridad ang isang riding-in-tandem na snatcher matapos hablutin ang cellphone ng isang E-trike driver sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Malabon City chief of police Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Jaycee Nuestro, 18 anyos, at Jonel Reyes, fish vendor at kapwa residente sa Navotas City.

Ayon kay Col. Barot, dakong 2:00 am, naglalakad sa kahabaan ng Gov. Pascual, Brgy. Concepcion ang biktimang si Bernie Gutierrez, 26 anyos, e-trike driver ng E Jacinto St., nang lapitan ng mga suspek na sakay ng isang Honda click saka hinablot ang kanyang cellphone na nasa P6,000 ang halaga.

Matapos ang insidente, humarurot ang mga suspek para tumakas habang humingi naman ng tulong ang biktima sa mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 6 sa pamumuno ni P/Lt. Rommel Adrias.

Ayon kay police investigator P/Cpl. Renz Marlon Baniqued, sa isinagawang follow-up operation ng mga tauhan ng SS6 ay naaresto ang mga suspek at nabawi ang cellphone ng biktima.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *