Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dead body, feet

Kelot isinako, itinapon sa QC

NATAGPUAN ang isang hubo’t hubad na bangkay ng hindi kilalang lalaki, nakasilid sa isang sako sa Brgy. Greater Lagro, Quezon City, nitong Linggo ng umaga.

Ang biktima ay inilarawang nasa edad 25 hanggang 30 anyos, may taas na 5’2, blonde ang buhok, at katam­taman ang panganga­tawan.

Batay sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), dakong 7:30 am kahapon nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa Quirino Highway sa harapan ng Royal Class Motor, Barangay Greater Lagro.

Nagbibisikleta sa lugar ang testigong si Ramil Mamangon nang mapuna ang isang sako na may bahid ng dugo sa gilid ng kalsada.

Nang lapitan ay nakita umano ni Mama­ngon na may nakausling paa sa sako kaya’t agad humingi ng tulong kay P/Cpl. Darwin Panares, nakatalaga sa Police Community Precinct 1 (PCP-1).

Nang mabuksan ang sako, natuklasang naka­gapos ang mga kamay at paa ng biktima at may mga tama ng mga bala ng hindi batid na kalibre ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nakuha sa crime scene ng SOCO team sa pamumuno ni P/Lt. John Agtarap ang tatlong basyo ng bala, tatlong plastic straw, at isang sakong kulay abo.

Ayon sa SOCO, posibleng sinakal muna ang biktima makaraang makitaan ng malalim na marka sa leeg bago pinagbabaril ng mga salarin saka isinako at iniwan sa lugar.

Nagsasagawa ang mga awtoridad ng masusing pagsisiyasat upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima, ng mga suspek, at upang matukoy din ang motibo sa pagpatay. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …