Tuesday , November 5 2024
Tito Sotto, Ping Lacson

Ping-Sotto tandem ‘di suportado ng GMA—Wala silang kakampihan at lagi silang neutral

I-FLEX
ni Jun Nardo

NILINAW ni Senate President Tito Sotto na hindi suportado ng GMA Network ang tandem nila ni Senator Ping Lacson as running mate sa President and Vice President sa 2022 elections.

May coverage sa limang channels ng Kapuso Network ang proclamation nila na tumagal ng thirty minutes.

“Hindi kami suportado ng GMA. Sarili namin ‘yun (gastos). Hindi mo sila maasahang may susuportahan o kakampihan dahil ang GMA laging neutral ‘yan,” pahayag ni Senate President sa Kumustahan zoom sa press. “It’s so happen na nakakuha kami ng 30 minutes sa GMA 7,” sambit pa ni Sotto.

Bilang suporta naman sa movie industry na pinagmulan din ni Sotto, may mga nakalinya na siyang batas na ginawa at naghihintay ng approval gaya ng pag-regulate ng mga kumakalat na fake news sa social media.

Pagdating naman sa asawang si Helen Gamboa, maayos na ang kalagayan niya at nagti-Tiktok na rin kasama ang anak na si Ciara.

Katatapos lang nilang mag-celebrate ng 52nd wedding anniversary.

About Jun Nardo

Check Also

Arjo Atayde Judy Ann Santos John Arcilla The Bagman

Arjo dream come true makatrabaho si Juday — I appreciate her professionalism, pagiging mabait 

ni ROMMEL GONZALES MASAYANG nagkuwento si Arjo Atayde sa amin tungkol sa first taping day nila ni Judy …

Bea Alonzo Lyle Menendez

Bea tinuligsa sa Halloween costume, post dinilete agad

MA at PAni Rommel Placente KONTROBERSIYAL na naman ngayon si Bea Alonzo. Ito’y matapos siyang mag-post …

Vice Ganda

Vice Ganda sa pagpasok sa politika — never mangangampanya at gagastos

MA at PAni Rommel Placente SA panayam kay Vice Ganda ng dating manager na si Ogie Diaz para sa …

Ella May Saison Jay Durias

Jay at Ella magpaparinig ng love songs na nakaka-LSS

RATED Rni Rommel Gonzales SOLID na tagahanga ni Ella May Saison ang South Border vocalist na si Jay Durias. Kuwento …

Andre Yllana

Andre na-shock kotseng lumubog sa baha ‘di na naayos

RATED Rni Rommel Gonzales SARIWA pa sa isip ng marami ang pinsalang dulot ng super …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *