Wednesday , December 4 2024
Isko Moreno, Doc Willie Ong
Isko Moreno, Doc Willie Ong

Isko – Doc Willie “the new energy” para sa paghilom

BULABUGIN
ni Jerry Yap

KAHAPON, isa siguro ako sa nakaramdam ng euphoria matapos marinig ang talumpati ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nang ilunsad niya ang kanyang tinawag na ‘aplikasyon’ para maging presidente o punong ehekutibo ng Filipinas, kasama si Doc Willie Ong bilang kanyang vice president.

        Matagal-tagal na rin kasi tayong hindi nakaririnig ng mga tapat na salita ng pagmamalasakit at pagmamahal sa kapwa.

Wala na tayong narinig kundi pagtutungayaw sa kalaliman ng gabi, na dapat sana’y panahon ng pagtulog at pamamahinga ng mga taong hindi alam kung magigising pa silang ligta sa pandemyang dulot ng CoVid-19.

         Kahapon, naramdaman natin ang kakaibang energy — the new energy — na dala ng Isko-Doc Willie tandem.

        Kaya nang sabihin ni Yorme Isko na: “I will be a healing president. I will not spend nights rambling on senseless thoughts that will get you agitated. I will be a healing president.

“While ours will be a government of national reconstruction, it will also be a government of national reconciliation, based on justice and rule of law.”

        Naramdaman ko ang katotohanan sa kanyang pahayag.

        Sa pamamagitan po ng ilang excerpts o sipi, naririto po ang ilang importanteng sinabi ni Yorme — para sa bayan, para sa makatarungang paghihilom, para sa isang bansang malusog at may kakayahang labanan ang pandemya.

“Hindi matayog na ambisyon ang nagtulak sa aking desisyon. Ngunit nang dahil sa kalunos-lunos na kondisyon ng ating bayan.

Other countries applied best practices, conducted field trials of scientific solutions.

We on the other hand have used our people as guinea pigs in the longest and strictest experiment of unli-quarantines.

557 days na po tayong nasa quarantine. But instead of flattening the curve, we have flattened our economy.

Yet, many people continue flatlining in hospitals without beds, without doctors, without medicine, and sad even without oxygen, Nakalulungkot ang kalagayan ng public health ng ating bansa. Maintindihan sana natin kung walang pera ang DOH.

Pero ang pondong panlaban sa CoVid ibinuro, ang budget inembalsamo.

Halimbawa, naantala ang pagbili ng ventilators at gamot.

Pati ‘yung katiting na P136 daily na active duty hazard allowance sa mga frontliners na buwis-buhay, paiyakan at ilang gives pa ang pagbibigay.

Binumbay pa sila.

Tampo tuloy ng isang nurse: Sa galing nilang mangutang, pati kami nautangan.

Tama rin po ang kanilang silakbo: Bakit pagdating sa facemask na gawa at inilako ng mga banyaga, express delivery pa?

Subalit ang pandemya ng CoVid ay nagdudulot din ng epidemya ng gutom na kumikitil din sa buhay natin.

No work, no pay, no food. Ang dating mga isang kahig, isang tuka, ngayon kahig nang kahig nang kahig walang matuka.

Hindi lang sarado ang maraming pagawaan, ang mga negosyo nakakandado ganoon din ang ating mga paaralan.

Ang mga kabataang walang muwang, nasentensiyahan ng dalawang taong pagkabilanggo sa kanilang tahanan. Indeed, it is the children who pay dearly for their government’s failures.

Maraming mamanahing suliranin. Maraming tatahiing suliranin ang susunod na administrasyon.

The road to recovery will be hard, the journey long, the challenges complex, the sacrifices required from each of us will be great.

There is no magic wand that will make our problems go away. Only hard work will.

Gusto kong linawin po sa inyo, simula pa lang ngayon sapagkat ang taong nambobola, nagsisinungaling sa pagdedeklara ng kandidatura pa lamang ay walang gagawin kung hindi mambobola at magsisinungaling na kapag nakaupo sila.

In the days to come, I will release platform of our governance. Yes, they are grand, but I assure you they are also granular.

Many of them have been pilot tested in the city of Manila.

Pagsinabi ko pong pabahay, hindi yan drawing, nakatayo na po.

Madaling magkama-kamada ng mga  pangako. Mas mahirap ang gumawa ng pala-palapag na murang pabahay.

Pag sinabi ko pong hospital, hindi ‘yan plano, meron na pong nakatindig dito sa Maynila.

Pag sinabi kong suportado ang edukasyon, hindi po ‘yan slogan. ‘Yan po ay mabilis na pamamahagi ng tablets para sa mga mag-aaral, laptops para sa mga guro, bandwith para sa kanilang connectivity sa bawat mag-aaral dito sa Maynila.

‘Yan ang bilis kilos sa Lungsod ng Maynila. ‘Yan ang pagtugon sa minimum basic needs ng ating mga kababayan.

Pag sinabi ko pong ease in doing business sa mga nagosyante, hindi po ‘yan promissory note, but something that is up and running in Manila.

Pag sinabi kong lilinisin ang dugyot na Maynila, hindi ‘yan isang araw lamang, kundi tulad ng nakita ninyo, araw-araw, buong linggo, sa buong buwan at habang tayo ay nanunungkulan, tuloy- tuloy, walang humpay na ginagawa.

I will not, or I do not run in promises. I run on prototypes.

While I believe in the power of example, I also recognize the need for constant innovation.

I may not give you perfect government but together, we can make it better.

Ngayon pa lang po bubuksan ko na ang aking mga plano sa mga suhestiyon at opinyon ninyo. Tulad dito sa Lungsod ng Maynila, under Executive Order Number 1: The Open Governance Policy.

Bakit? Sapagkat ang ibig sabihin pong open governance sa ganang akin ay ang pagiging bukas sa bagong idea, opinion, at inyong pakikilahok sa pagpapasya sa ating pamamahala.

Not only that, I will welcome criticism, because the value in listening to complaints is that they lead to better policies and improved services.

I believe, people should speak truth to power rather than for power to threaten the people for speaking the truth.

Subalit mga kababayan, anoman ang ganda ng plano kung wala namang alam ang magpapatupad, mauuwi rin po sa wala.

We have seen administrations excel in Powerpoint presentation only to spectacular fail in project implementation.

Thus, I will form the broadest form of government with the best and brightest at its helm.

Hindi lang manggagaling sa lungsod ng Maynila, o sa isang partido, o sa isang paksyon, o sa isang propesyon, o sa isang tribo, o isang age group.

A leader should not only think outside the box, he must also choose people outside his circle.

A leader who does not inspire the best among us to serve in government ends up surrounded by the least among us who end up ruining the government instead of running it well.

Tandaan n’yo po ito: Sa ating administrasyon, competence not connection, will be the sole guide in making appointments. To those with skills, no recommendation is necessary. To those without, need not apply.

To energize our bureaucracy, I will be inviting millennials to join their government so they can put their talents in the service of their fellow countrymen.

Pero umasa kayo, pag meron akong taong pumalya, pumapalpak, you’re fired immediately.

At kung may anomalya, hindi ko kukunsintihin o kakanlungin ang may sala. Sapagkat ang mali kapag ikinubli at hindi itinama, bayan ang papasan ng prehuwisyong dulot nito.

Hindi ko pagtatakpan ang katotohanan. Neither will I manufacture opinion or false praises.

But when assaulted with lies I believe that the truth, not the trolls, shall set me free.

Kaya naman po naniniwala ako sa konsultasyon at sa pag-uusap.

Ngayon pa lang kakatok ako sa inyong mga lugar upang hilingin ang inyong ideya.

Ang plano ko, ang plano natin, ay parang bandila ng Filipinas na ating hahabiin mula sa hibla at sinulid na manggagaling sa inyo.

I will be a healing president. I will not spend nights rambling on senseless thoughts that will get you agitated. I will be a healing president.

While ours will be a government of national reconstruction, it will also be a government of national reconciliation, based on justice and rule of law.

Hindi ko po isisisi sa nakaraan ang problemang ating kakaharapin. We can only move forward on our road to recovery if we are not consumed and immobilized by the rear view mirror politics.

Sa mga hamon na ating haharapin, may katuwang tayong napili.

Maraming lider na walang ginawa kundi saktan tayo. Siya naman, wala nang ginawa kundi hilumin tayo…

Sa panahon ng pandemya, siya na makakasama natin bilang lider na kailangan natin. Maraming sakit ang lipunan, mga cancer sa pamahalaan, na kailangan ng isang manggamot na sasamahan tayo sa pagbibigay ng reseta para sa lunas.

Isang doktor, na may puso, talino at oras para sa tao. At tuloy- tuloy sa paglilingkod sa mga may sakit, at problemang pangkalusugan.

Kaya ikinalulugod ko po sa inyong ipakilala ang aking partner, ang susunod na Bise Presidente ng Filipinas si Dr. Willie Ong.

Magiging epektibo ako sa buong bansa, lalo na sa panahon ng pandemya, dahil nakita ko na may pruweba na sa Maynila. Ang partner ko rin ay Doktora, si Vice Mayor Honey Lacuna.

As I have told you a while ago, it’s based on prototypes.

Sa Pagtugon sa pandemya, kailangan ay bilis kilos. Matutupad ito kung ang aking katuwang ay bihasa sa usaping pangkalusugan.

Mga kapwa ko Filipino di po namin kakayanin na kaming dalawa lang nin Doc Willie ang laban na ito. Kailangan po naming kayo. Tulungan n’yo po kami.

Kailngan po natin ng pagkakaisa, sama-sama natin gamutin ang bansa. Let us heal our country.”

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Araw ng Pasay PARADE OF LIGHTS, STREET DANCING, AND PARADE OF FLOATS ITINAMPOK

Sa Araw ng Pasay 2024  
PARADE OF LIGHTS, STREET DANCING, AND PARADE OF FLOATS ITINAMPOK

MAS PINASAYA at mas pinabongga ang Parade of Lights at Street Dancing Competition nang magtagisan …

Sara Duterte impeach

‘Impeach VP Sara’ inihain sa Kamara

ni GERRY BALDO  HABANG patuloy ang imbestigasyon ng Kamara de Representantes sa sinabing ilegal na …

Krystall Herbal Oil

Nangangaliskis na skin pinakinis ng krystall herbal oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Robert Ace Barbers Jaime B Santiago

Naninira, nagkakalat ng kasinungalingan
BAYARANG VLOGGERS LABAN SA QUAD COMM IPINATUTUGIS SA NBI

ni GERRY BALDO  SINASALO man ng House Quad Committee ang mga banat sa kanila, hindi …

Richard Bachmann PSC BIMP-EAGA friendship games

Sports para sa pagkakaisa

SA KABILA ng maulang panahon, nagbigay ng makulay at masayang kapaligiran ang parada ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *