Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Max Collins, Rocco Nacino, Carla Abellana
Max Collins, Rocco Nacino, Carla Abellana

Max apektado sa ginagawang teleserye

Rated R
ni Rommel Gonzales

MATINDING challenge na maituturing ni Max Collins ang role niya sa upcoming GMA teledrama na To Have and To Hold.

Sa naganap na Pinoy Abroad Fun Connect sa GMA Pinoy TV para sa cast ng To Have and To Hold, inamin ni Max na challenging para sa kanya ang daring na role dahil unang beses niyang gagawin ito para sa isang serye.

“Para sa akin ‘yung pinaka-challenging was ‘yung emotions. Going through the experiences that Dominique had to go through kasi medyo roller coaster ride ‘yung emotions, and ‘yung experiences,” pagbabahagi ni Max.

Dagdag pa niya, ”And actually, allowing myself to be affected by everything that was happening. And also because may pagka-daring din ‘yung role na ‘to for me. I’ve never done anything like this before so that was also a challenge.”

Bukod sa pagganap sa kanyang role, nahirapan din si Max na mawalay sa kanyang anak na si Skye Anakin sa tuwing papasok sa lock-in taping para sa serye.

“Challenging sa taping naman was leaving my baby Skye. Mahirap talaga kasi kapag iniisip ko, naiiyak ako. But then, iniisip ko palagi the thing I want to do for myself which is work. So pinanindigan ko naman natapos ko ‘yung show,” sabi ni Max.

Makakasama rin ni Max sa teleserye sina Carla Abellana at Rocco Nacino.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …