Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kimpoy Feliciano, Angie Cayetano

Kimpoy nakabili ng P18-M na bahay at 3 sasakyan

Rated R
ni Rommel Gonzales

SIKAT na vlogger sa Youtube si Kimpoy Feliciano na ngayon ay pinasok na rin ang pag-arte sa pamamagitan ng Youtube series na Laro Tayo, Taguan Ng Feelings kapareha si Gie Cayetano.

Bukod dito ay siya rin ang sumulat ng kuwento ng kanilang six-Saturday series.

“Kasi po kami po ni Anghet (Gie), mag-bestfriends po talaga, since second year high school hanggang ngayon so, para ‘yung istorya na ito somewhat related sa aming dalawa.

“Pero since nagkaroon kami ng followers na talagang sini-ship kami to be together, as a couple, in a relationship, parang in-exag (exaggerated), na ‘yung mga nangyayari roon sa series. Iyon ‘yung gusto nilang mangyari sa aming dalawa. So, parang iyon ‘yung ginawa naming istorya, parang iyon ‘yung gift namin for our followers.

“Gusto namin silang mapasaya.”

Ang “ship” o “shipping” ay ang kagustuhan ng mga tagahanga ng isang tandem na magkatotoo ang relasyon ng kanilang mga iniidolo.

Sa tunay na buhay ay wala silang relasyon kundi bilang mag-bestfriend

Ang istorya ng Laro Tayo, Taguan Ng Feelings ay tungkol sa mag-bestfriend na sina Paul at Angel na magkakagustuhan.

Kamakailan ay naging isyu ang tungkol sa pagta-tax sa mga vlogger at content creator, at pabor si Kimpoy dito.

“Noon pa naman po nagbabayad na ako [ng tax] so hindi po ako nagulat. Kasama po iyon, eh. Feeling ko po ‘yung mga natatakot ngayon, iyon ‘yung mga hindi talaga nagbabayad dati pa.

“And fun fact lang, si Angie po ang accountant ko so, siya ‘yung nag-aayos ng mga tax ko. Accountant po kasi ‘yan, eh.”

Bahay ang pinakamalaking investment ni Kimpoy mula sa kinita niya sa kanyang Youtube channel.

Hindi naman nagdamot si Kimpoy na sabihin kung magkano ang bahay niya.

“Inilabas po nila kasi online ko nabili ‘yun.”

Eighteen million ang halaga ng nabiling bahay ni Kimpoy at tatlong sasakyan.

Mula sa Brilliant Stars Entertainment, Team Paolita, at KUMU, ang Laro Tayo, Taguan Ng Feelings na nap­apanood tuwing Sabado, 8:00 p.m. sa Brilliant Stars Entertainment Youtube Channel mula September 11 hanggang October 16, sa direksiyon ni Bril V. Juan.

Nasa cast din sina Ralph NoriegaJhelo Cristobal, Aiyana PerlasLara Fortuna, Gio RamosAnjo Pertierra, at Kiki.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

BINI Jhoanna Puregold The Witness

BINI Jhoanna tampok sa isang cameo role sa pasasalamat ng Puregold sa mga may-ari ng sari-sari store

IPINAGPAPATULOY ng Puregold ang pasasalamat sa mga may-ari ng sari-sari store o maliliit na negosyante sa serye …

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …