“H INDI na siya pogi, at sira na rin ang katawan niya. Nagmukha na siyang matanda,” sabi ng isang male star tungkol sa isang dating sikat na matinee idol na nasalubong daw niya noong isang araw sa lobby ng isang hotel sa Tagaytay na naroon kasama niya ang kanyang pamilya sa isang “staycation.”
Ang kasama naman daw ng dating sikat na matinee idol ay isang “official na obviously gay.” Una raw nilang nakita ang dalawa nang nagdi-dinner sila sa restaurant ng hotel, at nakasabay ulit nila kinabukasan dahil nag-early lunch sila, at mukhang nag-late breakfast naman ang dating sikat na matinee idol at ang “gay official.”
It means magdamag sila sa hotel ding iyon.
“Siguro magkasama sila as friends,” sabi ng aming source. Pero over night lang ha, hindi ten days. Magkano kaya ang ”friendship for one night?”(Ed de Leon)