Tuesday , April 15 2025
Lunod, Drown
Lunod, Drown

8-anyos bata, nalunod sa ilog

PATAY ang isang 8-anyos batang lalaki matapos malunod sa ilog sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang biktima na si Kevin Hoybia, residente sa Bldg. 7, Rm. 27, Home 1, Tanza 2.

Lumabas sa imbestigasyon ni P/MSgt. Jayson Blanco, dakong 4:00 pm nitong ng Linggo nang maganap ang insidente sa Hulong Duhat Boundary at Batasan River, Tanza 2, makaraang tangayin ng mga alon ang biktima habang naliligo kasama ang kanyang 12-anyos na nakatatandang kapatid na lalaki.

Kaagad humingi ng tulong ang kuya ng biktima sa kanilang mga kaanak na agad namang hinagilap upang iligtas ang bata ngunit nabigo silang makita ito.

Ipinaalam ng ina ng biktima na si Perelyn, 48 anyos, ang insidente sa Barangay Tanza 2, na sila namang humingi ng tulong sa mga awtoridad.

Sa pinagsamang operations ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP), Coast Guard at Navotas NDRRMO, narekober sa naturang lugar ang walang buhay na katawan ng biktima dakong 12:30 pm nitong Lunes. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Alan Peter Cayetano

Cayetano sa mga SK leader  
Magtrabaho para sa tunay na pagbabago

HINIMOK ni Senador Alan Peter Cayetano noong Sabado ang mga chairperson ng Sangguniang Kabataan (SK) …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …

Road Maintenance

DPWH nag-abiso magkukumpuni ng mga kalsada ngayong Semana Santa

NAKATAKDANG magsagawa ng 24-oras trabaho sa loob ng limang araw ang mga tauhan ng Department …

Dead Road Accident

2 patay, 7 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

PATAY ang dalawa katao habang pito ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Commonwealth …

041425 Hataw Frontpage

2 grade 8 students dedo sa saksak ng 3 menor de edad

HATAW News Team DALAWANG Grade 8 students ang napaslang sa pananaksak ng tatlong estudyante rin, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *