Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Roi Ira Jude Diego, Rico Means, Red Mendoza

2 bagong alaga ng R Multimedia Productions aarangkada na

KASABAY ng pagdiriwang ng ikasiyam na anibersaryo ng R Multimedia Productions ngayong buwan, ipinakilala nila ang dalawa nilang bagong male artist.

Ang R MultiMedia Productions ay pag-aari ni Roi Ira Jude Diego(PR at talent manager) na naging manager din ng ilan sa naging regular mainstay noon ng defunct GMA variety show na Walang Tulugan with the Mastershowman at ilang indie actors at recording artist.

At ngayon, dalawang masuwerteng kabataan naman ang tutulungan ni Roi through R Multimedia Productions at sila ay sina Rico Means at Red Mendoza.

Maituturing na ‘di na baguhan sa showbiz si Red na naging miyembro   ng Ppop Group na Infinity Boys, nakagawa na rin ng indie film na My Day the series, nakasama sa ilang Kapamilya teleserye at naging 2nd runner up sa Digital talent search ng ABS CBN’s Starhunt’s BIDASTAR: Boy Next Door.

Baguhan naman sa showbiz si Rico na nakabase sa Vietnam at handang pumunta ng Pilipinas para subukan ang suwerte sa showbiz na mas gustong mag-concentrate sa pagkanta. Isa rin itong composer na base sa kanyang experience ang laman ng mga komposisyon.

Ayon kay Roi, maraming proyekto ang naka-line-up kina Red at Rico katulad ng virtual show, pelikula, endorsement, at recording contract bago matapos ang taon.

(JOHN FONTANILLA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …