Rated R
ni Rommel Gonzales
NATAPOS na ni JC Tiuseco ang kanyang Basic Citizen Military Course (BCMC) bilang reservist sa ilalim ng Philippine Navy.
Ayon sa post ng aktor sa Instagram, ”What a life-changing experience! Joining the military is one of the best decisions i’ve made.”
Hindi naman nakalimutan ng aktor na magpasalamat sa kanyang mga nakasama sa training kabilang na ang aktor na si Enzo Pineda na isa na ring marine reservist. Nagpasalamat rin siya sa kaniyang drill instructors at siyempre sa pamilya niya na sumusuporta sa kanyang pangarap.
“Thank you to Batch “Maalab” BCMC 03-2021 and to my Buddy Enzo for the camaraderie and friendship that we built inside the training camp. Thank you to all our Oscars and Drill instructors for sharing the knowledge and experience. Also want to thank my family for supporting me in this new path that i chose,” anang actor/model.
Nagbigay naman ng pagbati ang ilan sa mga kaibigan ni JC gaya ni Rocco Nacino na isa ring Navy Reservist.
“Snappy brotha!! Congratulations mate!!!” pagbati ni Rocco.
Handa na ang aktor na pagsilbihan ang bansa bilang si PO2 Tiuseco.
“PO2 Tiuseco reporting for duty! For God and Country! Navy Hooyaaahhh! Marines Hoooraaahh! #InspiretheYouth #ForTheNextGeneration #MabuhayPilipinas” ang mensahe ng aktor sa kanyang post.