MAGIGING host ang Singapore-based martial arts organization na ONE Championship sa pinakaaabangang 10th anniversary event sa Disyembre 5 na may titulong “ONE X.”
Ibinahagi ni company’s Chairman at CEO Chatri Sityodtong ang balita sa naging panayam niya sa beteranong MMA journalist Ariel Helwani sa MMA Hour.
Kasama sa inanunsiyo ni Sityodtong ang tatlong matitinding martial arts bouts na hahataw.
Ang nakakabiglang inanunsiyong inilahad niya sa nasabing show ay ang ‘special rules’ fight sa pagitan nina MMA legend Demetrious “Mighty Mouse” Johnson at pound-for-pound Muay Thai king Rodtang “The Iron Man” Jitmuangnon.
Si Johnson ay ang dating multiple-time UFC flyweight champion na naging miyembro ng ONE noong 2019. Simula noon, inangkin niya ang ONE Flyweight World Grand Prix Championship, at hinamon ang ONE Flyweight World Title ang kasalukuyang kampeong si Adriano Moraes. Natalo siya via knockout.
Samantalang si Rodtang, ay ang kasalukuyang ONE Flyweight Muay Thai World Champion at kinukunsiderang isa sa mabagsik na strikers sa martial arts.
Ang laban ay merong four, three-minute rounds. Rounds one at three ay paglalabanan sa ilalim ng ONE Super Series Muay Thai Rule Set, samantalang ang rounds two at four ay magsasalpukan sila sa Global Mixed Martial Arts Rule Set.
Sa karagdagang balita, inanunsiyo rin ni Sityodtong ang dalawang world title contests.
Ang iba pang adisyunal na laban ay ihahayag ng organisasyon sa mga darating na linggo.
Samantala, ang ONE Championship ay magbabalik sa Biyernes, Setyembre 24 sa ONE: REVOLUTION, na ibo-broadcast ng live sa Singapore Indoor Stadium sa Singapore.
“In the main event, reigning ONE Lightweight World Champion Christian Lee defends his title against #3-ranked lightweight Ok Rae Yoon. In the co-main event, ONE Bantamweight Kickboxing World Champion Capitan puts his belt on the line against Mehdi Zatout,” pahayag pa ni Sityodtong.