Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
GMA Network, YUGTO The 8th Paragala Awards

GMA humakot sa Paragala Awards

Rated R
ni Rommel Gonzales

HUMAKOT ng parangal ang GMA Network sa YUGTO: The 8th Paragala Awards na ilang Kapuso personalities at programa ang kinilala para sa kanilang kontribusyon sa media lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Nangunguna na rito sina Kara David at Joseph Morong na kinilala sa  Crisis Coverage Award: Top News Personality category. Si Kara ay isa sa hosts ng I-Witness at anchor ng GTV public affairs shows na Brigadaat Pinas Sarap. Si Joseph naman ay isa sa senior reporters ng GMA at kasalukuyang anchor ng mobile journalism newscast na Stand for Truth.

Nagwagi rin ang I-Witness Ako si Patient 2828 episode ni Howie Severino bilang Outstanding COVID-19 Documentary.

Parehong winner din ang mga show ni Drew Arellano. Tumanggap ang Biyahe ni Drew ng Paragala Pang Kultura award habang ang AHA! ay ginawaran ng Paragala Pang Likhaan award.

Iniuwi naman ng Daig Kayo Ng Lola Ko ang Paragala Pang Pamilya award.

Si Bea Alonzo ay pinagkalooban ng Paragala Pang Lingkod Bayan award para sa kanyang I Am Hope organization.

Tumanggap naman ang The 700 Club Asia ng Paragala Pang Kapakanan: Traditional Spiritual Program award.

Ang Paragala: The Central Luzon Media Awardsay ang largest student-based award-giving body sa Central Luzon.

Inialay ang awarding ngayong taon sa mga medical at media practitioners at iba pang bayaning patuloy na nagsisilbi sa bayan sa gitna ng COVID-19.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …