Sunday , December 22 2024

Gusto mag-abroad ‘wag online apps

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

MARAMI na ang nabiktima ng mga scammer sa online apps na ginagamit ng mga illegal recruiter.

Pinangakuang maganda ang suweldo, at para mas kapani-paniwala ay padadalhan ng mga pekeng kontrata na kailangang i-fill-up ng aplikante, at pagkatapos ay hihingan ng placement fees.

Naku! ‘Wag na ‘wag subukan! Magugulat ka na lang hindi mo na makikita ang apps sa social media pagkatapos mong magpadala ng pera.

Lahat ay ginagawa ngayon ng mga scammers, kaya kung tatanga-tanga ka, isa ka sa mabibiktima.

Mag-inquire muna sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) kung rehistrado ang kompanyang inaaplayan. Kung hindi mo gagawin, ilista mo na lang sa tubig ang iyong karanasan.

KUNG KAILAN MATATAPOS ANG PANDEMYANG COVID, WALANG NAKAAALAM

MULING nagdeklara ng state of calamity si Pangulong Rodrigo Duterte hanggang Setyembre 2022.

Ibig sabihin nito, isang taon pa ang palugit para tuluyang bumalik ang normal na sitwasyon sa ating bansa,

Sabi ng nakararami, hangga’t masikip ang mundo dahil sa rami ng mga tao, hindi agad aalis ang CoVid. Kaya naman dapat magpabakuna ang lahat. Doon sa mga ‘di naniniwala sa bakuna, I’ll pray for you.

Dapat alisin sa isipan ang konsepto na dahil bakunado na ay ‘di na tatablan ng CoVid, mali!

Dapat pa rin mag-ingat dahil ang hindi pagsunod sa health protocols kahit bakunado na ay puwede pa rin maging biktima ng CoVid, dahil mistula itong si Goliath na mabagsik.

Kaya kapag nagpabaya ay posibleng umatake ang CoVid sa iyong kalusugan. Saan ka, sumunod sa health and safety protocols o kay kamatayan? Kung gusto mo pang mabuhay wala kang gagawin kundi mag-ingat!

About Amor Virata

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *