Wednesday , April 16 2025
shabu drug arrest

Bebot kalaboso sa shabu

ISANG babaeng sinabing tulak ng ilegal na droga ang naaresto ito sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kamakalawa ang gabi.

Kinilala ni P/Lt. Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela City Police ang naarestong suspek na si Marianne Salas, 36 anyos, residente sa Dulong Tangke St., Brgy. Malinta.

Sa ulat ni P/SSgt. Ana Liza Antonio kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria, Jr., dakong 10:40 pm nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU ng buy bust operation sa bahay ng suspek.

Nagawang makipagtransaksiyon sa suspek ng P8,500 halaga ng shabu ni P/Cpl. Randy Canton na nagpanggap na buyer at nang tanggapin ni Salas ang marked money mula sa poseur-buyer ay agad siyang inaresto ng mga operatiba.

Nasamsam kay Salas ang halos 13 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P88,400, buy bust money na isang tunay na P500 bill, pitong pirasong P1,000, at dalawang pirasong P500 boodle money, cellphone, at coin purse.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

MRT-7 post West Avenue

Sa Quezon City
Poste ng gingawang MRT-7 bumigay

BUMIGAY ang isa sa mga poste ng ginagawang MRT-7 sa bahagi ng West Avenue, sa …

Parañaque Police PNP

2-anyos nene ini-hostage kelot timbog sa Parañaque

ARESTADO ang isang lalaki na nang-hostage sa isang 2-anyos batang babae sa loob ng isang …

Arron Villaflor

Arron Villaflor hangad maging boses ng mga kabataan ng Tarlac

MATABILni John Fontanilla TULOY-TULOY na ang pagpasok sa politika ni Arron Villaflor, na tumatakbo bilanh Board …

Bea Alonzo Tom Rodriguez

Bea nagpaiyak sa Magpakailanman 

RATED Rni Rommel Gonzales BIGATIN ang cast ng pre-Holy Week presentation ng Magpakailanman sa pangunguna ni Bea Alonzo. …

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *