Saturday , November 16 2024
road accident

Motorsiklo sumalpok sa kotse, Rider todas

PATAY ang isang rider matapos dumulas at sumemplang ang minamanehong motorsiklo saka sumalpok sa isang palikong kotse sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center (CCMC) ang biktimang kinilalang si Juanito Angala, 44 anyos, may asawa, residente sa Blumentrit Extension, Sampaloc Maynila sanhi ng pinsala sa ulo at katawan.

Kusang loob na sumuko at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide with damage to property ang driver ng Toyota Vios na kinilalang si Francisco Manuel, 53 anyos, taxi driver at residente sa San Basilio, Santa Rita, Pampanga.

Batay sa ulat ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong 8:40 pm nitong Linggo sa Rizal Ave., Extention corner 3rd Avenue, Brgy. 45 ng nasabing lungsod.

Binabagtas ng biktima ang naturang lugar patungong Maynila lulan ng kanyang minamanehong motorsiklo ngunit pagsapit sa kanto ng 3rd Avenue ay dumulas sa kalsada.

Sumemplang ang biktima bago sumalpok sa kanang bahagi ng papalikong kotse na naging dahilan ng matinding pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan kaya’t agad siyang isinugod sa naturang ospital ngunit hindi rin umabot nang buhay. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *