Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
cal 38 revolver gun

Welder kulong sa baril

SWAK sa kulungan ang isang welder matapos makuhaan ng baril sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 (Illegal Possession of Firearm and Amunation) ang naarestong suspek na kinilalang si Christopher Narin Gemina, 42 anyos, residente sa Building 15, Room 211, Disiplina Village T. Santiago St., Brgy. Lingunan.

Sa imbestigasyon nina P/SSgt. Regor Germedia at P/SSgt. Jeff Bautista, habang nagsasagawa ng casing surveillance si P/SMSgt. Roberto Santillan ng Valenzuela Police Station Intelligence Branch (SIB) sa Building 15, Disiplina Village T. Santiago St., Brgy. Lingunan, dakong 2:10 pm nang isang concerned citizen ang lumapit sa kanya at nagbigay ng impormasyon na may itinatagong baril ang suspek.

Nilapitan ni P/SMSgt. Santillan ang suspek na nakatayo sa ground floor ng naturang gusali at nagpakilalang pulis dahilan upang kusang isuko sa kanya ni Gemina ang isang revolver na may markang S&W 357 magnun, walang serial number at walang bala.

Nang hanapan ni P/SMSgt. Santillan ang suspek ng mga kaukulang dokumento hinggil sa naturang baril ay wala itong naipakita, dahilan upang siya ay arestohin. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …