Thursday , December 19 2024
Mon Casiple, Rodrigo Duterte, Sara Duterte
Mon Casiple, Rodrigo Duterte, Sara Duterte

Palpak na Covid-19 response, dagok sa Duterte admin 2022 elections — Casiple

090621 Hataw Frontpage Pharmally fly by night Tax clearance kinuwestiyon TUCP MAG palpak gov’t mag-amang Duterte bokya Palpak na Covid-19 response Duterte admin 2022 elections Casiple

HATAW News Team

NANINIWALA ang batikang political analyst na si Mon Casiple na ang naging pandemic response ng national at local leaders ang magiging sukatan ng mga botante sa 2022 elections.

Ipinaliwanag ni Casiple, ang kultura ng mga Filipino ay hindi madaling nakalilimot, sa pinagdaanan ng bawat isa sa panahon ng pandemic, kung sino ang nakatulong at nakita nilang may nagawa ang may mala­king puntos na mahalal habang tiyak na hindi na maboboto ang mga palpak na politiko.

“Hindi na ‘yung mga pangako sa tingin ko ang magdadala sa campaign, nagsawa na ang tao sa pangako, ngayong 2022 elections ay titingnan ng mga botante kung sino ‘yung aktibong tumulong at nasa forefront sa dalawang taong nasa pandemic ang bansa,” paliwanag ni Casiple.

Ani Casiple, kabado sa 2022 elections ‘yung mga politikong walang ginawa para tugunan ang CoVid-19 cases sa kani­lang lugar habang kam­pante sa pangangam­panya ang mga kumilos at nagpakita ng kanilang kagalingan sa pagtugon sa panahon ng pandemya.

Partikular na masu­sukat sa ganitong batayan ang mga administration bets na tatakbo sa presidential post,  mayors at governors.

Si Davao City Mayor Sara Duterte ng adminis­trasyon, matunog sa presidential race ay nakatatanggap ng batikos sa pagtugon niya sa mataas na CoVid cases sa Davao.

Sa September 3 data ng DOH, nanatiling pinakamataas ang Davao City sa Davao Region sa CoVid-19 case na nasa 426 at 11 ang nasawi, mula  noong buwan ng Mayo ay nakapagtatala ng mataas na kaso ang Davao at natataasan pa nito ang malalaking lungsod na may malalaking populasyon sa National Capital Region.

Umani  ng pagbatikos ang alkalde sa ginawa nitong pag-iikot sa ilang lalawigan at pagbisita sa ilang political leaders bilang bahagi ng kanyang consultation meeting na kanyang ginawa sa kasagsagan ng paglobo ng covid cases sa Davao.

Samantala, ganito rin ang palagay ng ilan pang analyst, sinabi ni Victor Andres Manhit, presiden­te ng think tank Albert del Rosario Institute for Strategic and International Studies na ang naranasang kahira­pan, gutom, kawalang trabaho, pagtaas ng presyo ng bilihin at pandemic ang malaking isyu sa 2022 elections.

Giniit ni Michael Henry Yusingco ng Ateneo de Manila University Policy Center, ang pandemic response ng administrasyon ang magpapabagsak sa popularidad ni Pangu­long Duterte.

Sa survey ng Pulse Asia Research noong Hunyo, lumilitaw na 9 sa bawat 10 Pinoy ang nagsabing bagsak ang CoVid-19 response ng administrasyon.

Tinukoy dito ang kulang na financial aid, mabagal na vaccine rollout, hindi maayos na pagpapatupad ng health protocols at kawalan ng trabaho.

 (HATAW News Team)

About hataw tabloid

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

2nd Southeast Asian Premier Business and Achiever Awards 2024

2nd Southeast Asian Premier Business and Achiever Awards 2024

The *2nd Southeast Asian Premier Business and Achiever Awards 2024* press conference recently concluded with great success, bringing …

CasinoPlus FEAT

Casino Plus Celebrates Unprecedented Wins in Color Game Big Win Jackpot, Welcomes 21 New Multi-Millionaires within first month of launching

Casino Plus recently achieved a major milestone, marked with a celebratory press conference held on …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *