Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata
DAPAT linawin sa taongbayan na kahit bakunado na laban sa coronavirus ay kailangan na mag-ingat pa rin dahil ang bakuna na ipinamamahagi ng gobyerno ay hindi gamot sa lahat ng ating sakit sa katawan. Ito ay tulong lamang upang hindi madaling dapuan, ngunit kung ikaw ay naniniwala na akala mo ay ligtas ka na sa CoVid-19, nagkakamali kayo.
Dahil kung hindi mag-iingat at hindi sinusunod ang health protocols, balewala ang bakuna! ‘Yun namang may dating iniindang sakit, mas higit na doblehin ang pag-iingat. Mainam na huwag umabas ng bahay at umiwas sa mga bisitang papasok sa inyong bahay, at ang pagdalo sa mga pagtitipon.
*****
Isa ito sa karanasan ngayon ng lungsod ng Las Piñas, umabot sa 98 katao na pawang bakunado, 80 dito ay second dose na, at ang 18 ay naka-first dose pa lamang pero nadale pa rin.
Problemang malaki ito kay Mayor Imelda Aguilar, kaya patuloy ang kanyang administrasyon sa kampanya na sundin ang health protocols. Huwag bigyan ng problema ang mga taga-Las Piñas, alam natin na kamamatay lamang ng kanyang butihing asawa.
Si ex-boyfriend Mayor Nene Aguilar pero tuloy pa rin ang serbisyo publiko ni Mayora!
NATUTONG MAG-IMPOK DAHIL SA PANDEMIC
SABI ng mga bank teller ng Banco de Oro sa Libertad, Pasay City, ngayong pandemic mas dumami ang kanilang mga depositor at mga aplikante sa kasalukuyan.
Hindi gaya noong 2020 simula ng lockdown buwan ng Marso, karamihan ay puro withdraw ang mga depositor na may impok, at nang bumalik sa trabaho ang mga manggagawa na kanilang depositor kahit maliit na halaga ay natuto nang mag-impok sa pangamba na muling maulit ang total lockdown sa bansa.
Bagama’t umiksi ang oras ng banko, dumami raw ang kanilang depositors na kumuha ng ATM card upang makasiguro na makapagwi-withdraw ng pera sakaling magsara ang mga banko dahil sa pandemic.
At nakatitiyak ang mga depositor na mayroong panggastos sa kanilang basic needs hangga’t hindi pa bumabalik ang normal na sitwasyon ng ating bansa sanhi ng CoVid-19.