Saturday , November 16 2024
road traffic accident

Motorsiklo sumalpok sa van, rider todas (Angkas sugatan)

PATAY ang isang rider habang sugatan ang angkas niyang dalaga na kasamahan sa trabaho nang sumalpok sa hulihang bahagi ng nakaparadang van ang kanilang motorsiklo kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Patay agad ang biktimang kinilalang si Efren Admana, 36 anyos, gasoline pump attendant, at residente sa Talangka St., Dagat-dagatan, Brgy. 20 sanhi ng tama sa ulo at katawan.

Patuloy na ginagamot sa Caloocan City Medical Center (CCMC) ang angkas na kinilalang  si Judy Ann Flores, 23 anyos, ng Mabini St., Sto Niño Road, Navotas City dahil sa mga sugat sa ulo at katawan.

Sa tinanggap na ulat ni Caloocan Police chief P/Col. Samuel Mina, Jr., dakong 2:45 am, sakay at binabagtas ng mga biktima ang kahabaan ng 10th Avenue mula Rizal Avenue Ext., patungong A. Mabini ng Honda beat na motorsiklo nang magpreno si Admana sa madulas na bahagi ng lansangan sa kanto ng Luis De Leon St., dahilan upang dumulas ang gulong at sumalpok sa hulihang bahagi ng nakaparadang Suzuki van, na minamaneho ni Julmark Lumapas, 29 anyos, ng M. Hizon St., Brgy. 64.

Sa lakas ng pagkakasalpok, nagkaroon ng matinding pinsala sa ulo at katawan si Admana na naging sanhi ng agaran niyang kamatayan habang isinugod ng kanyang mga kaanak sa pagamutan si Flores.

Nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide, physical injury at damaged to property ang tsuper ng Suzuki van sa piskalya ng Caloocan City. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *