SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
SPEAKING of Rhen Escaño back to back ang paggawa niya ng pelikula. Bukod sa Paraluman na pinagbibidahan nila ni Jao Mapa at mapapanood na sa September 24, may isang international movie pa siyang ginagawa.
Katunayan, nasa Singapore ito nang gawin ang virtual media conference para sa Paraluman at naikuwento nito ang ukol sa ginagawang international movie.
Ayon sa kuwento ni Rhen, marami silang nag-audition para sa role na ang istorya ay ukol sa isang domestic helper mula sa Pilipinas at Vietnam na nagtatrabaho sa Singapore.
At sinuwerte namang siya ang napili para pagbidahan ang Sunday na makakasama niya ang Vietnamese actor na si Ho Thanh Trung.
Ani Rhen, taong 2020 siya nag-audition.
“It’s a love story, kung paano masu-survive ng dalawang characters na ‘yon.
“Nakatutuwa kasi mapo-portray mo ‘yung mga kababayan nating nagtatrabaho sa ibang bansa para sa mga pamilya nila. Nakatutuwa siyang gawin,” sambit ni Rhen na nasa day 10 na ang shooting nila at may natitira pang 20 shooting days.
Excited si Rhen sa ginagawang pelikula sa SG. ”Grabe, nakatutuwa na marami akong nae-experience na mga bagong bagay na hindi usual na ginagawa natin sa Pilipinas o hindi ko na-experience sa atin.
“Marami akong nakikilalang mga tao at excited po talaga ako.
“Mapapanood ito, lalo na sa bansa natin. Sana abangan ng lahat dahil special itong project na ito for me.”