Sunday , December 22 2024
Parañaque

Parañaque LGU ‘palakasan’ na sa bakuna ignorante pa sa gender sensitivity

BULABUGIN
ni Jerry Yap

DAPAT sigurong suhetohin ni Parañaque Mayor Edwin Olivarez ang mga tao ng local government unit (LGU) na nagboboluntaryo sa vaccination site sa Ayala Malls diyan sa Macapagal Blvd.

        May kanya-kanyang diskarte at kostumbre ang ilang tao ng Parañaque LGU sa vaccination site at biktima riyan ang ilang kabulabog natin.

Isang kabulabog natin ang nagpunta sa Ayala Malls Macapagal para sa kanyang 2nd dose ng bakuna.

Akala ng kabulabog natin, maayos ang sistema ng Parañaque LGU pero nasaksihan nila mismo at naranasan ang masingitan at mabastos.

Ibig sabihin may palakasan system.

At hindi lang ‘yan, ang kabulabog natin ay inasik-asikan at minaliit dahil sa kanyang pagiging miyembbro ng LGBTQ community.

        Heto ang buong reklamo ng ating kabulabog:

“Habang nasa pila kami, napansin na namin na ilang beses nang nagpapasok galing sa exit ng vaccination site. Kaya inabangan namin kung ito ay mauulit. At ‘yun na nga, hindi kami nagkamali, mas marami pang tao ang pinapasok from exit na hindi sumunod sa tamang pila.

After makunan ng actual na video ang maling gawain nila, nilapitan ako no’ng isang tauhan na nakakulay green na t-shirt at nagbantang kakasuhan  dahil sa pagkuha ng video na balak naming gawing proof of evidence sa maling kalakaran nila sa vaccination site.

“Matapos naming mabakunahan, sinubukan kong alamin ang kaniyang pangalan at tingnan ang kanyang ID upang makarating sa kinauukulan. Ngunit nakabaliktad ang kaniyang ID. Mga isang metro palang ang layo ko sa kaniya bigla niya akong sinigawan at sinabing:

“Tingin tingin ka pa, bakla!?”

Pero sinagot ko siya: “Oo bakla ako, pero marunong ako sumunod.”

Sinubukan pa nila akong takutin at gamitin ang kanilang posisyon, nilapitan pa ko ng isa pang tauhan nila at sinigawan ako: “Anong problema nito!?”

At sinabi kong “Bakit kayo nagpapasingit?”

Ang rason ng isa tungkol sa mga taong pinapapasok nila mula sa exit ay “by appointment” daw. Pero alam naming hindi posible na mangyari dahil public vaccination site ang Ayala Malls Manila Bay. Habang ang rason naman ng isa ay “bumalik lang daw sa pila.”

Sa mga rason palang nila halatang may kani-kaniya silang palusot para lang maisakatuparan ang kanilang maling kalakaran.

Nagkaroon din ng lakas ng loob ang iba naming kasabay magpabakuna dahil maging sila ay saksi sa maling kalakaran ng mga tauhan ng LGU. Nang makita nila akong kinukunan ko ng video ‘yung pagpapapasok nila ng mga tao galing sa exit, hindi sila nagdalawang isip na kunan din ng video ang mga tauhan ng LGU.

Simula nang mag-speak up kami, nagkaroon din ng lakas ng loob ang iba naming kasabay pumila na i-express ang kanilang nararamdaman sa hindi makatarungang kalakaran.

Naging mahaba ang komprontasyon, at sinabihan kaming tumigil na at nanggugulo kami. Nais lang sana naming alamin at komprontahin sila kung bakit ganon ang kanilang sistema upang matigil ito. At dahil nga binantaan na kaming kakasuhan dahil nanggugulo kami, sinabi kong sige at idadaan namin sa legal lahat. Hinihingi namin ang pangalan ng lalaking naka-green na nagpakilalang taga-LGU dahil ganoon din ang ginawa nila sa amin (hiningi  ang pangalan namin).

Ngunit tinalikuran na lang niya kami at sinabing “Bakunado naman na kayo, nanggugulo pa kayo.” Parang sila ang may hawak ng sistema at may karapatan kung sino lang ang mababakunahan.

Sa huli, may umawat sa amin na mamang naka-vest ng blue at sinabi sa amin na siya na raw ang bahala at pagsasabihan ang naka-green na lalaki. Minabuti na rin naming umalis pagkatapos at umasang magkakaroon ng consequence ang kanilang ginagawa.

Sa buong pangyayari, kapansin-pansin na hindi ginagampanang mabuti ng lalaking naka-green ang kanyang trabaho at posisyon sa LGU.

        Mayor Edwin Olivarez Sir, mukhang kailangan ninyong hanapin, kung sino man ‘yang lalaking naka-green na nagdu-duty sa vaccination site pero walang manners at hindi marunong makipag-usap.

        Lider ba ng sindikato ng bakuna ‘yang lalaking naka-green na ‘yan?

        Hindi ba nila pinagkakakitaan ang pagpapasingit para mabakanuhan?!

        Unsolicited advice lang po Mayor, paimbestigahan ninyo ang tao ninyong ‘yan at baka matagal nang ‘nasasalaula’ ang bakunahan sa Parañaque City.

        At puwede rin ba, i-isolate  at i-quarantine ninyo ng 90 days ‘yang tao ninyo at mag-webinar ng Gender Sensitivity dahil mukhang ignoramus pa tungkol sa LGBTQ community at tungkol sa RA 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees).

        Kitang-kita na baluktot ang pananaw ng tao ninyo Mayor Edwin. Sana naman ay hindi niya nakikita ang ganyang asal sa ama ng lungsod.

        ‘Yun lang po.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *