Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Glaiza de Castro, Marian Rivera
Glaiza de Castro, Marian Rivera

Glaiza at Marian malalim ang friendship

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

HINDI napigilan ni Glaiza de Castro ang magkuwento ng malalim na pinagsamahan nila ni Marian Rivera noong batiin niya ito sa  DongYan Funcon event ng GMA Pinoy TV

Aniya, mula pa noon ay magkapatid na ang turing nila sa isa’t isa matapos nilang magkasama sa AmayaTweets for my Sweet, at Temptation of Wife.

“Nagsimula ‘yung ‘Bai’ noong ginawa namin ‘yung ‘Amaya’ so, ‘Bai’ means sister at eversince ginawa namin ‘yun, ‘Bai’ na ‘yung naging tawagan namin kasi I consider her as my sister,” pagbabahagi ni Glaiza.

Hindi naman nag-deny ang Kapuso Primetime Queen sa sambit ni Glaiza at malaki ang pasasalamat niya na naging magkaibigan sila.  

“Siguro isa sa mga naging thankful ako is naging kaibigan ko talaga si Glaiza kasi isa ‘yan sa kahit hindi kami magkita o mag-text ng mahabang panahon pero ‘pag nagkita kami n’yan, parang kakakita lang namin,” ani Marian. At ang wish nilang pareho ay sana magkatrabaho sila ulit.

Marami pang ihinandang surprise ang GMA Pinoy TV para sa Kapuso abroad. At nitong September 1 nga lang ay si Bea Alonzo naman ang nakasama nila sa isang masayang FunCon online.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …

Bojie Dy Sandro Marcos

Speaker Dy, Majority Leader Marcos naghain ng makasaysayang Anti-Political Dynasty Bill

ni Gerry Baldo ISINASAKATUPARAN ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kanyang pangakong repormang …

PRC Physician Doctor Medicine

PRC Board of Medicine aprubado para sa imbestigasyon laban sa mga doktor ng Bell-Kenz

MALUGOD na tinanggap ng abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao na si Lorenzo “Erin” Tañada …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …