Wednesday , December 24 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
money peso hand

Entertainment writer siningil ni mahusay na aktres sa ibinigay na pabaon pa-abroad

MA at PA
ni Rommel Placente

NALOKA ang isang entertainment writer sa isang mahusay na aktres.

Ang kwento, noong nag-abroad ang una ay naglambing ito ng dagdag baon sa huli. Umoo naman ang mahusay na aktres dahil close ito sa entertainment writer. Nagpadala siya rito ng P30k. Gulat ang entertainment writer dahil malaki ang ibinigay na dagdag baon sa kanyang biyahe.

Nang bumalik na ng ‘Pinas si entertainment writer, after ilang araw ay nakatanggap siya ng text sa mahusay na aktres. Sinisingil siya nito sa ipinadalang P30k. At ang sabi pa sa kanya, ‘yung araw na ‘yun niya mismo bayaran ang hiniram niya kasi kailangan nito ng pera.

Shocked talaga ang entertainment writer sa paniningil sa kanya ng mahusay na aktres.

Ang alam niya kasi niya ay bigay lang sa kanya ang P30k. Nag-text back siya sa mahusay na aktres at sinabing ang akala niya ay bigay sa kanya ang pera.

Sagot naman ng mahusay na aktres, pahiram lang iyon.

Ang ending, sinabi na lang ng entertainment writer na babayaran ang P30k pero hindi sa mismong araw na ‘yun dahil wala siyang ganoong pera that time. After a week na lang niya babayaran.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …

Unmarry cast

Zanjoe pang-best actor ang galing; Zac agaw-eksena sa UnMarry

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANGINGILID na ang luha ni Angelica Panganiban bago pa man magsimula ang screening …