Thursday , April 3 2025

Escape plan ng Duterte Davao Group kasado na

KASADO na ang daan upang makatakas sa pananagutan sa paglulustay ng pera ng bayan ang tinaguriang Davao Group ni Pangulong Rodrigo Duterte kapag nawala na siya sa puwesto.

Inihayag ito ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Sen. Richard Gordon sa panayam sa kanya ng programang The Chiefs, sa One News.

Aniya, ang pagpapapuwesto sa iba’t ibang ahensiya hanggang sa Ombudsman ng mga taga-Davao City at malalapit kina Pangulong Duterte at Sen. Christopher “Bong” Go, ay isang pangitain ng ‘ligtas’ na escape plan ng Davao Group.

Suspetsa ni Gordon, planado ang pagbibigay ng bilyon-bilyong pisong kontrata ng medical supplies sa kuwestiyonableng kompanyang Pharmally Pharmaceutical ni dating Procurement Service -Department of Budget Management (PS-DBM) chief Lloyd Christopher Lao.

Bago napunta sa PS-DBM si Lao ay nagsilbi siyang chairman ng Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) at undersecretary sa Presidential Management Staff – Office of the Special Assistant to the President (PMS-OSAP) habang SAP noon si Go.

Sinabi ni Gordon, ang itinalagang Overall Deputy Ombudsman (ODO) na si Warren Liong ay dating tauhan ni Lao sa PS-DBM.

Matatandaan na sinibak ni Pangulong Duterte bilang ODO si Arthur Carandang dahil sa paglabag umano sa confidentiality habang iniimbestigahan niya ang yaman ng pamilya Duterte.

Si Anderson Lo na Undersecretary sa Presidential Management Staff (PMS) ay kandidatong deputy Ombudsman for Mindanao.

Lubhang nakapagtataka aniya na hindi binusisi ni Lao ang background ng Pharmally na may kaugnayan sa wanted sa Taiwan sa kasong multi-bilyong dolyares na stock manipulation.

Dinala aniya ni Michael Yang, economic adviser ni Pangulong Duterte, ang Pharmally executives sa meeting sa Punong Ehekutibo noong Marso 2017.

“What does it tell me? It tells me, your loading the dices para kapag wala na sila sa power, may magtatanggol sa mga kasama ng mga Duterte at kasama nitong mga taong ito sa Ombudsman.

“Pagdating sa Ombudsman, sasabihin no case, dismiss, patay na. Kaya ‘yan sinisilip ko, paano mabago ang lowest price bid. Bakit magtatangka si Lao na ‘I’m the luckiest man nga may bakante, nakapasok ako,’ Paano mo makukuha ‘yan, it takes a while bago ka maging undersecretary,” aniya.

Giit ni Gordon, maraming dapat ipaliwanag si Go sa isyu dahil lahat ng lumutang ang pangalan sa isyu ng kuwestiyonableng P8.6 bilyong Pharmally contract ay mga nagsilbi mula pa noong 2016 presidential campaign, ang iba’y fraternity brother ni Pangulong Duterte, inilagay sa mga posisyon sa gobyerno at inilipat sa ibang puwesto kapag nasabit sa gulo.

“Kapag binuo mo pa ‘yan isinama mo pa nangyari noong 2017, diyan ako nagulat. Biro mo dumarating investors, dinadala ni Mr. Yang. Michael Yang showing malakas siya sa presidente, nothing wrong with that. But if you bring somebody later on na he has a case. Then suddenly Pharmally which he heads ay getting the big chunk of the bidding of billions of pesos,  kapag pinagdikit-dikit mo ‘yan circumstantially, you would have to suspect na talagang may plano talaga,” ani Gordon.

“Even the escape plan has already been completed by putting them in agencies that will possibly either stop any prosecution from happening when they are done in office,” aniya.

Ayon kay Gordon, napag-usapan nila ng mga kapwa senador na nakahanda silang imbestigahan si Go at hindi sila mangingiming sampahan siya ng kaso maging si Pangulong Duterte batay sa makakalap nilang mga ebidensiya.

Sa 7 Setyembre, ipagpapatuloy ang imbestigasyon ng Senado sa isyu.

About hataw tabloid

Check Also

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

NANINIWALA si Pamilya Ko Partylist (PKP) 1st Nominee Atty. Anel Diaz na malaki ang naitutulong …

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

SUMIKLAB ang galit ng mga lokal na residente kaugnay sa viral video ng isang backhoe …

Duterte ICC

Para sa pagsusulong ng Crime Against Humanity
1 KASO NG MURDER SWAK PARA LITISIN SI DUTERTE – ICC

HATAW News Team ISANG kaso lang ng pagpatay ay sapat na para lumarga ang Crime …

Myanmar

PH humanitarian team ipinadala sa Myanmar

BUMIYAHE na ang Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PHIAC) upang tumulong sa search, rescue, at retrieval …

COMELEC Vote Election

34 reklamo ng vote buying, vote selling inireklamo

INIULAT ng Commision on Elections (Comelec) na umabot sa 34 kaso ang mga iniulat sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *