NAIBENTA ni Japanese singer Kyosuke Himuro ang dating mansion ni Shaquille O’Neal—na may kumpletong golf simulator at Superman-themed basketball court sa halagang $9 million.
Si Himuro na dating ‘’frontman’’ para sa 1980s Japanese rock band Boowy, nabili kay Shaq ang mansion noong 2004 sa halagang $6.4 million at ito ngang nakaraang araw ay nakalista iyon na ibinenta sa halagang $9.25 million.
Ang compound ay may laking isang acre sa Mulholland Estates, na guwardiyado sa gate, ang paborito ng mga celebrity na neighborhood na doon naninirahan sina Tyler Perry, Paris Hilton, Big Sean at Charlie Sheen.
Katulad ng iba pang mansion ni Shaq, ang palm-topped property ay ekstrabagansa.
“Grand archways and built-in aquariums line the living spaces, and the many amenities include a gym, game room, bar, elevator, music studio and plush movie theater with guitars strung along the walls,” ayon sa ahente ni Shaq.
“The 13,000-square-foot showplace holds seven bedrooms and eight bathrooms, including a primary suite with a private lounge. Recently remodeled for a more contemporary feel, the common spaces include a vast rotunda entry, dining room with painted ceilings and living room with a wood accent wall,” dagdag pa niya.
Ang basketball court ni Shaq ay niremodel. Meron ito ngayong Superman logo at NBA MVP. Ang blue-and-red court ay bahagi ng backyard na may swimming pool, spa, waterfall, dining deck at fire pit.
Si Himuro, 60, ay co-founded Boowy noong 1980s, at ang banda ay nag-released ng anim na studio albums mula 1982 to 1987. Nagrekord din siya ng 12 solo albums na may hit sa katulad ng “Wild Romance” at “Safe and Sound.”
Si Harout Keuroghlian ng JohnHart Real Estate ang nagrepresenta ng buyer.