MATABIL
ni John Fontanilla
MADAMDAMIN ang pahayag ng CEO & President ng Beautederm na si Ms Rhea Anicoche Tan sa BD live BD TV Live ng 12th year ng Beautederm na ang guest ay sina Marian Rivera, Korina Sanchez, at Bea Alonzo hosted by Darla.
Ani Rei, ”Sobrang grateful po ako at nandito pa po tayo, kahit na pandemic. At libo ang tumatangkilik po sa atin, buong ‘Pinas, buong mundo, ang dami na po nating customers.
“Marami pa po akong sorpresa hanggang matapos ang taon. Dream ko po na maging household name ang Beautederm.”
Bago matapos ang taon, napakarami pa ang dapat abangang mga bagong produkto ng Beautederm at kaabang-abang din kung sino-sino pa ba ang ang mga bagong magiging Ambassadors at parte ng Beautederm at ilan pa ang mga bagong branches nitong bubuksan sa Pilipinas.
Ilan sa sa mga ambassador ng Beautederm ay sina Sylvia Sanchez, Marian, Carlo Aquino, Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, Christopher Deleon, Bea, Arjo Atayde, Enchong Dee, Ejay Falcon, Rita Daniela, Matt Evans, Ria Atayde, Jane Oineza, Jessa Zaragosa, Dingdong Avanzado, Korina, Ryle Santiago, Sanya Lopez, Ken Chan, Camille Prats, Tonton Gutierrez, Glydel Mercado, Jestoni Alarcon, Alma Concepcion, Rochelle Barrameda, Jimwell Stevens, Maricel Morales, Sherilyn Reyes-Tan, Anne Feo, Alynna Velasquez, Dessa, Kitkat, Jana Roxas, Alyana Asistio, Darla, Kakai Bautista, Boobay, Luke Mejares, Lance Tan, Alex Castro atbp..